Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 5/22 p. 32
  • “Paglimot sa Nakalipas”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Paglimot sa Nakalipas”
  • Gumising!—1995
Gumising!—1995
g95 5/22 p. 32

“Paglimot sa Nakalipas”

“Alam natin na ang buong paglalang ay patuloy na dumaraing na magkakasama at nasasaktang magkakasama hanggang ngayon.” Iyan ay totoo nang ang mga salitang ito ay isinulat halos 2,000 taon na ang nakalipas, at totoo pa rin ito sa ngayon. Subalit maaari bang malimot ang kasaysayan, pati na ang lahat ng paghihirap ng tao?​—Roma 8:22.

Ang 32-pahinang makulay na brosyur na pinamagatang Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos? ay tumatalakay mismo sa paksang ito. “Gagantihin tayo ng Diyos sa kahirapang ating napagtiisan sa sanlibutang ito,” sabi nito. “Kaya sa malaking awa ng Diyos ay gagantihin tayo nang labis-labis sa nakalipas na kahirapang dinanas natin.”

Ang publikasyong ito ay sama-samang naghaharap ng kumukumbinsing katibayan na isang maaliwalas na hinaharap ang naghihintay sa atin. Pagkatapos basahin ang brosyur na ito, isang 20-anyos na taga-Canada ang sumulat: “Hindi ko maipahayag sa mga salita kung gaano naantig ng publikasyong ito ang aking puso! Ito’y tunay na isang mahalagang hiyas. Ipinagugunita nito sa atin ang kahanga-hangang pag-asa na inilalaan ng Diyos para sa atin. Inaakala ko na ang bahaging ‘Paglimot sa Nakalipas’ ay maibiging isinulat. Salamat sa pagpapaalaala sa amin kung gaano tayo minamahal ni Jehova.”

Kung nais mo ng isang kopya ng brosyur na ito o nais mong may dumalaw sa iyo sa iyong tahanan upang pag-usapan ang bagay na ito, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share