Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 2/8 p. 32
  • Mga Kabataang Nagpapasalamat

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Kabataang Nagpapasalamat
  • Gumising!—1995
Gumising!—1995
g95 2/8 p. 32

Mga Kabataang Nagpapasalamat

ANG mga kabataang nakalarawan dito ay pawang mga estudyante sa paaralang-sekundarya sa Nigeria. Sa isang sulat sa tanggapang sangay ng mga Saksi ni Jehova sa Nigeria, sila’y sumulat: “Nais po naming pasalamatan kayo sa konsiderasyong ipinakita ninyo sa amin na mga kabataan sa paglalathala ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan​—Mga Sagot na Lumulutas.

“Ang publikasyong ito ay nakatulong sa amin na labanan ang mga panggigipit ng sanlibutan at pabulaanan ang hindi maka-Kasulatang mga turo. Tinatalakay nito ang iba’t ibang ikinababahala ng mga kabataan, at ang payo nito ay laging nasasalig sa Bibliya. Ang bahagi na tumatalakay tungkol sa panggigipit ng kasama ay lalo nang nakatulong sa amin na maunawaan ang karunungan ng Bibliya sa payo nitong lumakad na kasama ng mga pantas at iwasan ang pakikisama sa mga mangmang. Ang ibang estudyante sa aming paaralan ay namamangha kung paano namin pinagtitiisan ang isa’t isa sa pag-ibig at kung paano namin sinisikap na sundin ang pagiging isa ng espiritu sa nagbubuklod na bigkis ng kapayapaan.

“Sa tuwina’y sinisikap na panatilihin ang aming paggawi na mahusay sa gitna ng mga estudyante sa aming paaralan, masigasig naming ipinahahayag ang pag-asa ng Kaharian sa lahat ng estudyante na makikinig sa amin, kahit na yaong maaaring nagsisikap na impluwensiyahan kami sa maling paraan.”

Ang sulat ay nilagdaan, “Mula sa mga kabataang Saksi ni Jehova, All Saints Secondary School, Aba, Estado ng Abia, Nigeria.”

Kung nais mong tumanggap ng isang kopya ng Ang mga Tanong ng mga Kabataan​—Mga Sagot na Lumulutas o kung nais mong magkaroon ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share