Mahalagang Tulong Para sa mga Proyekto sa Paaralan
“ANG mga babasahing Bantayan at Gumising! ay talagang lubhang nakapagtuturo, ang pinakamadaling basahin at maunawaan, ang pinakanapapanahon, at ang pinakanakapagpapatibay na mga babasahing aking nabasa,” sulat ng isang tin-edyer na mambabasa. “Ang impormasyon para sa karamihan ng aking mga proyekto sa paaralan ay nanggaling sa mga magasing ito. Kapag may pinag-aaralan ako sa paaralan, isang artikulo tungkol sa mismong paksang iyon ay naroon upang palakasin ang loob ko at tulungan akong maunawaan ang paksa at ang kahalagahan nito.
“Halimbawa,” paliwanag niya, “kailangan ko ang isang paksa para sa isang proyekto sa siyensiya para sa Science Fair na hinihiling na lahukan namin. Ang proyekto ay nangangailangan ng tatlong poster, isang report, at isang modelo. Kaya nagpasiya akong gawin ang paksa tungkol sa pag-init ng ibabaw ng lupa, na tinalakay sa Setyembre 8, 1989, Gumising! Ibinatay ko ang aking mga poster sa mga ilustrasyong lumitaw sa mga artikulo at ginamit ko ang impormasyon doon para sa aking report. Ako ay binigyan ng aking guro sa biyolohiya ng isang A, at ako’y tumanggap ng unang gantimpala para sa bahaging may kinalaman sa ekolohiya at konserbasyon!”
Kung nais mong magkaroon ng isang kopya ng Ang Bantayan at Gumising! na ipadala sa iyong bahay sa pamamagitan ng koreo o kung nais mong magkaroon ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.