“Napakahirap Lumaki Nang Wala Siya”
“AKO’Y sumusulat pagkatapos kong mabasa ang ating pinakabagong brosyur na inilabas sa kombensiyon, ang Kapag Namatay ang Iyong Minamahal, upang ipahayag ang aking matindi at taus-pusong pasasalamat sa gayong mainam ang pagkakasulat at nakapagpapatibay-pananampalatayang brosyur.
“Ako po’y 18 anyos. Ang aking tatay ay namatay sa isang aksidente ng kotse nang ako’y walong taon, at kahit na sampung taon na itong nakalipas, nangungulila pa rin ako. Napakahirap lumaki nang wala siya. Napakaraming bagay na nais kong sabihin sa kaniya, ibahagi sa kaniya, alamin tungkol sa kaniya. Anong laking kaaliwan na mapaalalahanan tungkol sa maibiging pag-asa ng pagkabuhay-muli na gagawin ni Jehova! Ako’y napaluha. Minsan pa’y maraming salamat sa pagpapanariwa ng aking pag-asa.”—Isang kabataang Saksi sa Austria.
Maraming sulat na gaya nito ang tinanggap sa mga tanggapan ng Samahang Watchtower sa New York. Ngayon ay inilalathala na sa 18 wika, ang 32-pahinang brosyur ay umaaliw sa angaw-angaw na mga tao. Kung ikaw ay nagdadalamhati dahil sa kamatayan ng isang mahal sa buhay, huwag mag-atubiling humiling ng isang kopya ng publikasyong ito sa pamamagitan ng pagsulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.