Isang Petsa na Hindi Mo Dapat Kaligtaan
Nang gabing bago siya mamatay, ibinahagi ni Jesus ang isang tinapay na walang lebadura at isang kopa ng alak sa kaniyang mga apostol at nagsabi: “Patuloy ninyong gawin ito sa pag-alaala sa akin.”—Lucas 22:19.
Sa taóng ito ang pagdiriwang ay pumapatak sa Biyernes ng April 14 paglubog ng araw. Bunga ng utos ni Jesus, milyun-milyong Saksi ni Jehova at mga taong interesado sa buong daigdig ang magtitipon sa pantanging gabing ito upang ulitin ang Memoryal na ito sa paraan na ipinag-utos ni Jesus. Kayo ay malugod na inaanyayahan na makipagtipong kasama namin. Pakisuyong alamin sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar ang eksaktong oras at dako ng pulong.