Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 4/22 p. 32
  • Gumising!—ang Saligan Para sa Pagsusulit

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Gumising!—ang Saligan Para sa Pagsusulit
  • Gumising!—1995
Gumising!—1995
g95 4/22 p. 32

Gumising!​—ang Saligan Para sa Pagsusulit

NANG buksan ng mga estudyante sa bansa ng Suriname sa Timog Amerika ang kanilang bukleta sa iksaminasyon sa pagpasok sa haiskul noong Hulyo 1993, natuklasan nila na ang regular na mga mambabasa ng magasing Gumising! ay may bentaha. Ito’y dahilan sa halos kalahati ng mga tanong sa 36-pahinang bukleta, na inihanda ng Kawanihan ng Iksaminasyon ng Ministri ng Edukasyon, ay salig sa dalawang artikulo mula sa Gumising!

Ang mga pahina 1 hanggang 9 ay nagtampok sa artikulong “Bayan ng mga Barungbarong​—Panahon ng Kahirapan sa Kagubatan ng Lunsod,” na lumitaw sa Gumising! ng Oktubre 8, 1992. May 21 katanungan na sumusubok sa pang-unawa sa materyal na iyon. Ang mga pahina 10 hanggang 16 ng bukleta sa iksaminasyon ay naglalaman ng 14 na katanungan sa artikulong “Ang Capybara​—Pagkakamali o Kababalaghan ng Paglalang?,” na lumitaw sa Gumising! ng Setyembre 22, 1992.

“Sa paggamit sa mga artikulong ito upang suriin ang pang-unawa ng mga estudyante sa buong bansa sa paraan ng pagkakasulat ng artikulo,” sabi ng isang punong-guro sa kanlurang bahagi ng Suriname, “ipinakikita ng mga awtoridad sa paaralan na itinuturing nila ang Gumising! bilang isang huwaran ng tumpak na balarila at maiksi subalit malamán na pagsulat.”

Kung nais mo ng isang kopya ng Gumising! o nais mong may dumalaw sa iyong tahanan upang talakayin ang paksang ito, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share