Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 7/8 p. 32
  • Naibigan Ito ng Guro

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Naibigan Ito ng Guro
  • Gumising!—1995
Gumising!—1995
g95 7/8 p. 32

Naibigan Ito ng Guro

“NOONG nakaraang taon sa aking klase sa Ingles sa ikasampung-grado, kami’y gumugol ng ilang araw sa pag-aaral sa maraming iba’t ibang relihiyon sa daigdig,” sulat ng isang kabataan mula sa Michigan, E.U.A. Dinala ng batang lalaki ang kaniyang aklat na Paghahanap ng Tao sa Diyos sa paaralan. Sabi niya:

“Naisip ko na masusumpungan ito mismo ng aking guro na kawili-wili. Natutuwa akong makita siya na binabasa ang aklat samantalang ang mga estudyante ay gumagawa ng gawaing-paaralan. Gayunman, maguguniguni mo ang pagkagulat ko nang, bago matapos ang klase, pinatigil ng aking guro ang mga estudyante sa kanilang ginagawa at binasa nang malakas ang buong unang kabanata sa amin. Sinabihan pa nga niya kami na kumuha ng nota tungkol dito.

“Pagkaraan ng ilang araw, ginamit niyang muli ang aklat sa pagtuturo sa klase, inaatasan ang mga estudyante na gumawa ng ibang report, sinasabi sa kanila na maaari nilang gamitin ang aklat na Paghahanap ng Tao sa Diyos bilang saligan. Ang aklat ay ginamit sa buong oras.”

Kung nais mo ng isang kopya ng Paghahanap ng Tao sa Diyos o nagnanais ka ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share