Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 7/22 p. 32
  • “Salamat sa Inyong Pag-iral”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Salamat sa Inyong Pag-iral”
  • Gumising!—1995
Gumising!—1995
g95 7/22 p. 32

“Salamat sa Inyong Pag-iral”

Iyan ang isinulat ng isang lalaki mula sa North Carolina, E.U.A., sa punong tanggapan ng mga Saksi ni Jehova sa Brooklyn, New York. Sinabi rin niya: “Ako’y humihiling ng isang pantahanang pag-aaral sa Bibliya na iniaalok ninyo sa Gumising! Ngunit humihiling din ako ng anuman at lahat ng impormasyon na mayroon kayong maibibigay tungkol sa paksang impiyerno. . . .

“Ako’y pinalaki sa turo ng Baptist Church, subalit kahit na noong bata pa ako, may mga turo o doktrina na hindi ko matanggap.

“Ako’y nagbabasa ng inyong mga publikasyon mula pa noong 1965. Sinasangguni ko ang Bibliya kapag nagbabasa, at lahat ng nasa literatura ninyo ay kasuwato ng Bibliya. Sa tuwina’y nais kong malaman ang tunay na katotohanan tungkol sa Diyos at kay Jesus, at tapatan kong masasabi na nasusumpungan ko ang tunay na mga kasagutan sa inyong mga babasahin at sa Bibliya.”

Marahil ay pahahalagahan mo rin ang impormasyon may kinalaman sa salig-Bibliyang mga turo ng mga Saksi ni Jehova. Kung nais mong tumanggap ng isang kopya ng tract na Ano ang Pinaniniwalaan ng mga Saksi ni Jehova? o magkaroon ng libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share