“Hindi Ko Na Isasaisantabi ang Anumang Kopya Hangga’t Hindi Ko Nababasa Ito”
Isang lalaki ang sumulat sa mga tagapaglathala ng Gumising! na nagsasabi: “Nakasumpong ako kamakailan ng isang kopya ng Abril 8, 1994, na Gumising! sa iskrin ng aking pinto. Wow! Ano ang nangyari? Kayo ay nakagawa ng makabago, nakapagtuturong publikasyon sa dekada ‘90. Nasusumpungan kong kahanga-hanga ang pagbabago, at sa kauna-unahang pagkakataon, talagang binasa ko ang mga artikulo. (Karaniwan nang naiisip ko, ‘Oh, nagpunta na naman sila,’ at isinasaisantabi ito.) May angkop na impormasyon doon para sa lahat.”
Bilang pagtatapos ay isinulat niya: “Kayo’y nasa tamang direksiyon. Magpatuloy kayo sa mabuting gawa, at nangangako akong hindi ko na isasaisantabi ang anumang kopya hangga’t hindi ko nababasa ito.”
Kung nais mo ng isang kopya ng Gumising! na ipadadala sa iyong tahanan sa pamamagitan ng koreo o nagnanais ka ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.
[Picture Credit Line sa pahina 32]
Itaas: Sa kagandahang-loob ng ROE/Anglo-Australian Observatory, kinunan ng litrato ni David Malin