Sino Talaga ang Nagpupuno sa Sanlibutan?
Ang nakatatawag-pansing tanong na iyan ay ang pamagat ng isang tract na ipinamamahagi ng mga Saksi ni Jehova. Noong nakaraang taon isang babae buhat sa Mississippi, E.U.A., ang sumulat: “Nang tanungin ako ng isang binatilyo ng tanong na iyan, hindi ako makatiyak sa sagot ko.” Aniya: “Sa akin para bang ang sanlibutan ay hindi pinamamahalaan sa paraan na sinasang-ayunan ng Diyos.”
Pagkatapos ay sinabi pa niya: “Naunawaan ko mula sa mga Kasulatan na binanggit sa tract na iyon kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa bagay na iyan na hindi ko lubusang naunawaan noon. Isa sa aming mga awiting Pamasko, ang ‘Joy to the World,’ ay nagsasabi na ang Diyos ang namamahala sa sanlibutan, na, mangyari pa, ay mapanlinlang.”
Ganito ang pagtatapos ng babae: “Karaniwan nang hindi ako sumusulat ng ganitong uri ng liham subalit inaakala kong sa pagkakataong ito ay nais kong malaman ninyo na sa paano man, ang inyong gawa ay pinahahalagahan.”
Inaakay ng mga Saksi ni Jehova ang mga tao sa kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mahahalagang paksa na nakaaapekto sa ating mga buhay. Kung nais mo ng isang kopya ng nabanggit na tract o nagnanais ka ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.