Pinabuti Nito ang Kaniyang Pakiramdam
SI Tara Patel ay sumusulat ng isang pitak na pinamagatang “On My Own” sa The Daily, isang pahayagang inilalathala sa Bombay, India. Noong Enero siya ay sumulat tungkol sa artikulong “Ang Iyong Buhay ba ay Nakababagot? Mababago Mo Ito!,” na lumabas sa Enero 22, 1995, na Gumising! “Mayroon akong suskrisyon nito,” sabi niya tungkol sa Gumising!, “bagaman hindi ko ito itinuturing na isa sa napakabuting magasin sa daigdig.”
Gayunman, susog niya: “Habang higit at higit na napapasubsob ako sa pagbasa ng artikulo, nasabi ko sa aking sarili, mangyari pa, ang buhay ko ay nakababagot, lubhang nakababagot. Huwag mo nang itanong pa kung gaano kabagut-bagot! Kaya ano ang lunas?” Saka niya sinipi nang detalyado ang Gumising!, na nagtatapos: “Patuloy na mag-aral. Magkaroon ng personal na mga tunguhin. Maging mapanlikha. Gumawa ng isang bagay sa pamamagitan ng iyong kamay. Magkaroon ng layunin sa buhay. Isaalang-alang ang Diyos.
“Ang lahat ng payong iyan. Napakabuti man o hindi, kung pag-iisipan mo ito, ito’y mahusay na payo. Sa paano man pinabuti ng mag[asing] Gumising! na ito ang aking pakiramdam. Sumuskribe ka nito kung gusto mo.” Saka ibinigay ni Tara Patel ang direksiyon sa India para makakuha ng higit na impormasyon.
Kung nais mong tumanggap ng isang kopya ng Gumising! gayundin ng kasama nitong magasin, Ang Bantayan, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.