“Isang Pasasalamat”
Iyan ang gustong ipahayag ng isang kabataang estudyante sa Hapón. Ipinaliwanag niya na siya ay tumanggap ng pantanging gantimpala sa paaralan para sa mga sanaysay na ibinatay niya sa mga artikulong nabasa niya sa Gumising!
“Bago niyan,” susog pa niya, “iniimbak ko ang mga magasin sa bahay ko nang hindi iniimbak ang impormasyon sa aking ulo. Nang maisip ko kung gaano kapaki-pakinabang ang mga magasin sa akin, nasabi ko sa aking sarili, ‘Ito ang mga magasin na hindi ko binabasa.’ Nalipos ako ng panghihinayang. Mula noon, binabasa ko na ang mga magasin gaya ng nararapat.”
Bilang pagpapahalaga, ang estudyanteng ito ay sumulat pa: “Ang mga magasin ay talagang kapaki-pakinabang sa pagtulong sa akin na makayanan ko ang iba’t ibang pagsubok na nakakaharap ko sa paaralan. Salamat sa paglalaan palagi ng kahanga-hangang mga artikulong iyon. Ako’y umaasang patuloy na tatanggap ng mga ito.”
Ang Gumising! ay regular na nagtatampok ng mga artikulong tumutulong sa mga kabataan na makayanan ang mga problemang nakakaharap nila sa tahanan at sa paaralan. Kung nais mo ng isang kopya ng Gumising! o nais mong may dumalaw sa inyong tahanan upang tulungan kang masumpungan ang salig-Bibliyang mga sagot sa mga problema mo, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.