Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 12/22 p. 32
  • Natanggap Nila ang Unang Gantimpala

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Natanggap Nila ang Unang Gantimpala
  • Gumising!—1995
Gumising!—1995
g95 12/22 p. 32

Natanggap Nila ang Unang Gantimpala

Dalawang kabataang estudyante sa Madras, India, ang parehong tumanggap ng unang gantimpala para sa kanilang modelo ng isang istasyong pangkalawakan na may sasakyang pangkalawakan at launchpad. Saan nakuha ng batang lalaki at babae, makikita sa litratong ito, ang idea para sa kanilang proyekto?

Ipinaliwanag ng mga kabataan sa isang liham sa mga tagapaglathala ng Gumising!: “Ibig naming samantalahin ang pagkakataong ito upang pasalamatan kayo lalo na, yamang natanggap namin ang mga gantimpala dahil lamang sa mga serye tungkol sa paggagalugad sa kalawakan na lumabas sa Setyembre 8, 1992, ng Gumising!”

Ang Gumising! ay inilalathala para sa kaliwanagan ng buong pamilya. Ang mga kaugalian at mga tao sa maraming bansa, ang mga kababalaghan ng paglalang, praktikal na mga siyensiya, at mga bagay na kawili-wili sa tao ay pawang saklaw sa pagtalakay nito. Sa pamamagitan ng regular na pagkakaroon ng Gumising! sa inyong bahay, matutulungan mo ang iyong mga anak na pasulungin ang kanilang panlahat na kaalaman, na pakikinabangan nila sa paaralan at sa dakong huli ng buhay.

Kung nais mong tumanggap ng isang karagdagang kopya ng Gumising! o nais mong may dumalaw sa inyong tahanan upang ipakipag-usap sa iyo ang kahalagahan ng edukasyon sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa direksiyon na pinakamalapit sa iyo na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share