“Mula sa Bibig ng mga Sanggol”
Isang babae mula sa Ballito, Natal, Timog Aprika, ay nagpahayag ng masiglang pagpapahalaga para sa aklat na Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya at sumulat:
“May pamangkin ako, si Rudi Naidoo, na isa’t kalahating-taóng-gulang lamang, at nasasabi niya ang pangalan ng halos lahat ng tauhan sa aklat sa basta pagkakita lamang sa kanilang mga larawan. Sinasabi pa nga niya kung ano ang ginagawa ng mga tauhan sa Bibliya na nasa larawan. Halimbawa, ipinakikita ng kuwento 11 si Noe na naghahandog ng mga hain. Sabi ni Rudi sa amin, ‘Si Noe—nananalangin kay Jehova.’
“Nang tanungin kung ano naman ang ginagawa ni Josue sa kuwento 49, si Rudi ay aarte na parang si Josue sa larawan, habang sinasabi niya, ‘Araw tigil!’ Hindi niya mabigkas nang wasto ang mga salita subalit sinasabi niya ito sa kaniyang nakatutuwa, kaibig-ibig na paraan.
“Minsan pa, nais kong pasalamatan kayo para sa ekselenteng publikasyong ito. Naikukuwento ng mga batang paslit kung ano ang hindi nalalaman ng ilang adulto. Ang mga salita ni Jesus sa Mateo 21:16 ay tiyak na totoo: ‘Mula sa bibig ng mga sanggol at mga pasusuhin ay naglaan ka ng papuri.’”
Kung nais mong tumanggap ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya o kung nais mong may dumalaw sa inyong tahanan upang ipakipag-usap sa iyo ang kahalagahan ng edukasyon sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa direksiyon na pinakamalapit sa iyo na nakatala sa pahina 5.