Napakilos ng Pagpapahalaga ni Serosha sa Gumising!
Isang kabataan mula sa estado ng Washington, E.U.A., ang sumulat: “Sa klase sa English ay kailangan naming sumulat sa isang magasin o sa isang pahayagan. Kaya hinanap ko ang mga artikulo sa mga magasin na masusulatan ko.
“Nagpasiya akong tingnan ang mga artikulo sa magasing Gumising! na dumating sa koreo kahapon. Tuwang-tuwa ako na ginawa ko iyon. Ang artikulong ‘Isang Muling Pagdalaw sa Russia,’ sa labas ng Pebrero 22, 1995, ay totoong nakapagpapatibay-loob. Lalo nang nakapagpapatibay-loob na mabasa ang tungkol sa sigasig ng pitong-taóng-gulang na si Serosha para sa Kaharian ng Diyos. Ang kaniyang pag-ibig at pagpapahalaga para sa magasing Gumising! ay nagpangyari sa aking pag-isipan ang mga artikulo sa Gumising! na hindi ko nabasa. Ako ngayo’y umaasang makagagawa ng karagdagang pagsisikap na mabasa ang lahat ng kahanga-hangang mga artikulo kapuwa sa Gumising! at Ang Bantayan.”
Kung nais mong magkaroon ng isang kopya ng Ang Bantayan at Gumising! o kung nais mong magkaroon ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.