“Naging Kahanga-hanga ang mga Ito!”
“Ako’y laging nasisiyahang magbasa ng Ang Bantayan at Gumising!, at naging kahanga-hanga ang mga ito sa nakalipas na mga taon anupat mahirap humanap ng mga pang-uri upang ilarawan ang mga ito. Nais kong ipahayag ang aking pagpapahalaga sa impormasyong inilahad sa Oktubre 22 at Nobyembre 8, 1994, na mga labas ng Gumising! sa ilalim ng mga titulong “Kapag ang Relihiyon ay Pumapanig sa Digmaan” at “Sarajevo—Mula 1914 Hanggang 1994.” Ang gera sibil sa Bosnia-Serbia-Croatia ay isang masalimuot at kalunus-lunos na kalagayan subalit isa na napakalapít sa aking puso bilang isang Croatiano. Pinahahalagahan ko lalo na ang paraan ng pagtunton ninyo sa kasaysayan ng alitan at ang mga pinagmulan nito noon pang 1054. Itinampok nito ang papel ng relihiyon at ang walang-lubay na mga pagsisikap nito na humantong sa higit pang mga pagkakabaha-bahagi at pagkakapootan sa gitna ng pambansang mga grupong ito. Nakalulungkot nga, nakikita lamang ng daigdig sa ngayon ang pinakamasama sa likas na mabubuting tao na ito. Salamat muli sa paggawa ng isang hindi maunawaang kalagayan na madaling unawain. [Nilagdaan] M. K.”
Ang Gumising! ay nagkaroon ng mabuting pangalan dahil sa maingat na pananaliksik at makatuwirang pag-uulat. Subalit isa rin itong magasin na nagbibigay ng pag-asa para sa isang mapayapang kinabukasan salig sa pangako ng Diyos na ipailalim ang lupa sa pamamahala ng kaniyang Kaharian.
Kung nais mong regular na magbasa ng magasing ito, pakisuyong makipagkita sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar, o sumulat sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng labas na ito.
[Picture Credit Line sa pahina 32]
Kanan: Culver Pictures