Nakatulong ang Gumising! sa Pagliligtas ng Buhay
Samantalang hinihintay ng isang Saksi ni Jehova sa Ecuador na tapusing gawin ng mekaniko ang kaniyang kotse, sinabi ng asawa ng mekaniko sa Saksi na siya’y nag-aalala tungkol sa kaniyang sanggol na lalaki, si Byron. Siya’y kinokombulsiyon nang lima o anim na beses sa isang linggo, at hindi matiyak ng mga doktor ang problema. Si Byron ay dinala na sa mga espesyalista sa Quito, ang kabiserang lunsod.
“Habang nakikipag-usap sa ina,” nagpaliwanag ang Saksi, “napansin ko ang isang trabahador na nagpipinta ng isang kotse, at naalaala ko ang isang artikulo sa Gumising! tungkol sa pagkalason sa tingga. Binanggit ng artikulo na ang isa sa mga sintomas ng pagkalason sa tingga ay ang pagkokombulsiyon. Sinabi ko sa babae na dadalhin ko sa kaniya ang artikulo.”
Nang mabasa ng mga magulang ni Byron ang artikulo, ipinasuri nila ang kanilang anak para sa pagkalason sa tingga. Isang mataas na antas ng tingga ang nasumpungan sa dugo ni Byron. Ang paggamot at pag-iingat sa higit pang pagkalantad sa tingga ay nagbunga ng kamangha-manghang pagbuti ng kalusugan ni Byron. “Sa nakalipas na apat na buwan ay hindi siya kinombulsiyon kahit minsan,” sabi ng Saksi. “Mula noon ay ipinakipag-usap ng ama sa maraming doktor ang tungkol sa kasong ito, at lagi niyang pinapupurihan ang Gumising! sa pagliligtas sa buhay ng kaniyang anak. Ngayon maging ang ilan sa mga doktor na ito ay nagbabasa na ng Gumising!”
Kami’y nakatitiyak na ikaw man ay makikinabang sa pagbabasa ng Gumising! Kung nais mong tumanggap ng isang kopya o nais mong may dumalaw sa iyong tahanan upang ipakipag-usap sa iyo ang Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.