‘Pakisuyong Ikuha Ako ng 100 Kopya’
Binigyan ni Hildegard, isa sa mga Saksi ni Jehova na nakatira sa Alemanya, ang kaniyang gynecologist ng kopya ng Pebrero 22, 1995 ng Gumising! Ang magasin ay naglalaman ng serye ng mga artikulo na pinamagatang “Isang Higit na Pagkaunawa sa Ménopós.”
Hindi nagtagal, nang magpatingin ang anak na babae ni Hildegard sa doktor ding iyon, natuklasan niya na nabasa na ng doktor ang mga artikulo. Ganito ang kaniyang hiniling: “Pakisuyong sabihin mo sa iyong inay kung maikukuha niya ako ng isandaang kopya.”
Nang ihatid ang mga magasin, ganito ang sabi ng doktor: “Huwag mong isipin na ako’y magiging isa sa mga Saksi ni Jehova. Subalit napakapositibo ng pagkakasulat ng mga artikulong ito tungkol sa ménopós anupat dapat itong basahin ng aking mga pasyente.”
Hindi pa natatagalan, nabalitaan ni Hildegard na mabuti ang pagtanggap ng kaniyang mga pasyente sa magasin. Sa katunayan, isang babae ang nagsabi na hindi lamang siya nasiyahan sa mga artikulo tungkol sa ménopós kundi sa iba rin namang mga artikulo sa magasin. Kaya tumawag si Hildegard sa opisina ng kaniyang doktor upang itanong kung kailangan pa ng mga kopya. “Puwede bang magkaroon kami ng isandaan pa?” ang tanong ng katulong ng doktor.
Kung ibig mo ng kopya ng Gumising! o ibig mo ng libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.