Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 10/8 p. 32
  • “Mas Makabubuting Sumangguni Ka sa Gumising!”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Mas Makabubuting Sumangguni Ka sa Gumising!”
  • Gumising!—1996
Gumising!—1996
g96 10/8 p. 32

“Mas Makabubuting Sumangguni Ka sa Gumising!”

IYAN ang sinabi kay Pasquale, isang kabataang Saksi ni Jehova na kumukuha ng isang kurso sa kolehiyo sa Bari, Italya, nang tanungin niya ang kaniyang guro sa sikolohiya ng ilang impormasyong mayroon siya tungkol sa pagkasugapa sa droga. Subalit, dati ang gurong ito ay may pagtatangi sa mga Saksi ni Jehova. Ano ang nagpangyari na magbago ang kaniyang saloobin?

Ganito ang paliwanag ni Pasquale: “Nang matapos ang isang leksiyon, ang guro ay humingi ng tulong sa kaniyang mga estudyante na maghanap ng materyal tungkol sa pag-abuso sa bata, ang paksa na inihahanda ng guro para sa isang postgraduate thesis. Natatandaan ko ang ilang labas ng Gumising! na tumalakay rito at ang nauugnay na mga paksa, gaya ng ‘Edukasyon sa Sekso​—Sino ang Dapat Magturo Nito?’ (Pebrero 22, 1992). Ngunit, palibhasa’y batid ko ang pagtatangi ng aking guro sa mga Saksi, pinakiusapan ko ang isang kaklase ko na siyang magbigay sa guro ng mga magasin.”

Isinalaysay ni Pasquale kung ano ang nangyari nang, pagkaraan ng ilang araw, tanungin niya ang kaniyang guro tungkol sa ibig niyang makuhang mga impormasyon tungkol sa paksang pagkasugapa sa droga: “Hindi siya sumagot agad. Bagkus, tumayo siya at lumapit upang kamayan ako. Sinabi niya na ayaw niyang tanggapin ang mga magasin ng mga Saksi ni Jehova noon sapagkat itinuturing niya ang mga ito na napakasimple at pambata. Gayunman, pagkatapos niyang mabasa ang mga ito, nagbago ang kaniyang isip. Sinabi niyang nasumpungan niya ang mga nilalaman ng mga magasin na kapaki-pakinabang mula sa pangmalas na panlipunan. Sinabi niya na isasama niya ang mga impormasyon mula sa Gumising! sa kaniyang thesis.”

Kumusta naman ang hinihiling ni Pasquale na mga impormasyon tungkol sa pagkasugapa sa droga? “Ibibigay ko sa iyo ang mga ito nang kusa,” sagot ng guro, “subalit mas makabubuting sumangguni ka sa Gumising! Isa itong magasin na tumatalakay sa mahahalagang paksa, at ito’y kapaki-pakinabang, kahit na sa antas ng pamantasan.”

Tinatalakay ng Gumising! ang kasalukuyang mga problema at nagsisikap na magbigay ng praktikal na tulong sa mga taong humaharap ng malalaki o maliliit na hamon sa araw-araw na buhay. Kung nais mong malaman ang tulong na maibibigay ng Bibliya, makipagkita sa mga Saksi ni Jehova, na namamahagi ng Gumising!, o sumulat sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share