Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 1/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Gusto Mo Bang Makatagpo ng Kobra?
    Gumising!—1996
  • Kobra
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Nakaririnig na mga Kobra sa Sri Lanka
    Gumising!—1993
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 1/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Binabasa ang Buong Magasin Naiibigan ko lagi ang Gumising!, subalit dati-rati ang binabasa ko lamang ay ang mga artikulong nakaaakit sa akin. Ngayon ay binabasa ko nang buo ang magasin at bunga nito’y nagugustuhan ko ang mga paksa na dati-rati’y nilalampasan ko. Halimbawa, katatapos ko pa lamang basahin ang “Isang Sinaunang Tradisyon ng Amerikanong Indian” (Marso 8, 1996), at talagang nagustuhan ko ito!

E. A. S., Brazil

Nakasakit sa Iba Ang artikulong “Ang Pangmalas ng Bibliya: Ang Dapat Mong Gawin Kapag Nakasugat ng Damdamin ng Iba” (Pebrero 8, 1996) ay dumating sa tamang panahon. Isang Kristiyanong sister ang biglang humintong makipag-usap sa akin. Tinanong ko siya kung may nagawa akong anumang bagay na nakasakit sa kaniya, at humingi ako ng paumanhin. Subalit hindi nito nabago ang kaniyang saloobin. Labis akong nasaktan dahil dito at nagsimula akong mag-isip na hindi karapat-dapat ang aking paglilingkod kay Jehova. Anong laking kaaliwan ang nadama ko nang mabasa ko ang huling parapo ng artikulo! Sinabi nito na “minsang sinikap mo nang husto sa iyong sarili na makipagpayapaan, si Jehova ay malulugod na tanggapin ang iyong pagsamba.”

M. R., Argentina

Kobra Ang artikulong “Gusto Mo Bang Makatagpo ng Isang Kobra?” (Marso 22, 1996) ay totoong kawili-wili. Subalit ang larawang may paliwanag sa pahina 16 ay kababasahan ng ganito: “Ang itim na kobra na ibinubuka ang kaputsa nito habang nagpapaaraw sa isang mainit na bato.” Ang alam ko, ibinubuka lamang ng kobra ang kaputsa nito kapag naramdaman nitong may panganib o kapag nabulabog ang kobra.

R. F., Alemanya

Ito’y ipinaliwanag sa artikulo sa pahina 18, parapo 1, at sa pahina 20, parapo 2. Sinabi ng aming kabalitaan sa India na ang kobra sa larawan ay umakmang sasalakay dahil sa ginalit ng kasama ng litratista.​—ED.

May Kapansanang Nagmamaneho Ang artikulong “May Kapansanan​—Ngunit Nakapagmamaneho” (Mayo 8, 1996) ay dumating sa tamang panahon. Dahil sa ako’y isang taong may kapansanan, inaakala ko na ang aking Kristiyanong ministeryo ay totoong limitado. Dahil kay Jehova, ngayon ay mayroon na akong isang binagong kotseng ibinagay sa akin, at napasigla ako ng artikulong ito na palawakin ang aking ministeryo.

A. A. V., Brazil

Pagsasayaw Nasisiyahan akong sumayaw sa tugtuging klasikal, Latin, at mabagal na siyang libangan ko. Totoong pinahalagahan ko ang artikulong “Ang Pangmalas ng Bibliya: Ang Pagsasayaw ba ay Para sa mga Kristiyano?” (Mayo 8, 1996) Nakatulong ito sa akin na higpitan ang aking sarili sa ganitong anyo ng paglilibang. Ang sumisiyasat na mga katanungan na inyong ibinangon ay makatutulong sa akin na manatiling walang kapintasan at “walang batik mula sa sanlibutan.”​—Santiago 1:27.

D. D. G., Trinidad

Ako’y 15 taong gulang, at talagang hirap na hirap akong magpasiya kung ano ang wasto at hindi wasto pagdating sa pagsasayaw. Palibhasa’y ikinapit ko ang payo na ibinigay ng artikulo​—kalakip pa ng mga kasulatang hinalaw mula sa Bibliya​—ngayon ay napagpapasiyahan ko na kung ano ang wasto.

M. R., Estados Unidos

Paglalaan Para sa May Kapansanan sa Pandinig Ako’y isang bingi at bulag, at ibig ko kayong pasalamatan dahil sa artikulong “Inaabot sa Pamamagitan ng mga Senyas sa Kamay.” (Abril 8, 1996) Isinalaysay nito ang tungkol sa “Maliligayang Tagapuri” na Pandistritong Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova na ginanap sa American Sign Language. Totoong nakapagpapatibay-loob para sa akin na malamang maraming bulag at bingi ang naroroon. Ako’y lubos na nagpapasalamat sa mga taong nag-interprete para sa akin ng programa ng kombensiyon nang idaos namin ang aming kombensiyon dito noong Disyembre 1995. Hindi ko kailanman natutunan ang Braille, kaya upang makapangaral sa iba, isinaulo ko ang 121 teksto sa Bibliya. Hangad ko na makita ang katuparan ng pangako ng Diyos sa Isaias 35:5, 6, na nagsasabing ang bingi ay makaririnig at ang pipi ay makapagsasalita. Ibig kong umawit ng mga papuri kay Jehova sa darating na Paraiso!

A. F. A., Argentina

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share