Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 4/8 p. 18
  • Alam Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alam Mo Ba?
  • Gumising!—1997
Gumising!—1997
g97 4/8 p. 18

Alam Mo Ba?

(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa ibinigay na mga talata sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nakalathala sa pahina 25. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.)

1. Anong mga kulay ng tina ang karaniwang ginagamit sa mga palamuti sa templo at sa mga damit na isinusuot ng mataas na saserdote? (Exodo 36:35)

2. Ilang prinsipeng taga-Persia ang naglingkod bilang pinakamalalapit na tagapayo ni Haring Ahasuero at sumang-ayon sa paghatol laban kay Reyna Vasti? (Esther 1:13-15)

3. Sa anong sinaunang lunsod naglingkod bilang hari at saserdote si Melquisedec? (Genesis 14:18)

4. Isang anyo ng anong salita ang ginamit sa mga bersiyong Latin ng Bibliya na nagpapahiwatig ng tulos kung saan ibinayubay si Jesus? (Tingnan ang Mateo 10:38, talababa sa Ingles)

5. Sino ang biyenang lalaki ni Moises? (Bilang 10:29)

6. Anong pag-aangkin ang sinabi ni Jesus na hindi magagawa ng sinumang Judio may kinalaman sa Batas ni Moises? (Juan 7:19)

7. Ano ang tao, ayon sa metaporang pananalita, sa mga kamay ng Dakilang Magpapalayok? (Isaias 64:8)

8. Gaano kadalas pumapasok ang mataas na saserdote ng Israel sa Kabanal-banalan? (Hebreo 9:7)

9. Bagaman ang mga tao ay maaaring magtanim at magdilig, anong kapurihan ang nauukol sa Diyos? (1 Corinto 3:7)

10. Anong sinabi ni Jesus hinggil sa paggawa ng kalooban ng kaniyang Ama kung para sa kaniya? (Juan 4:32, 34)

11. Dahil sa ipinalalagay na ito’y may relihiyosong kahalagahan, hanggang saan naghuhugas ng kamay ang mga Fariseo bago kumain? (Marcos 7:3)

12. Sinabi ni Jesus na ang isa ay “dapat na maging alipin ng lahat” upang matanggap ang anong kalagayan? (Marcos 10:44)

13. Ano ang sinabi ni Pablo na hindi tunay na bagay kung ito’y nakikita? (Roma 8:24)

14. Ano ang tawag sa grupo ng mga hayop na kawan-kawan kung pastulin? (Genesis 32:16)

15. Sinong alagad ang nagtanong kay Jesus ng: “Ikaw ba ay nananahanang mag-isa bilang isang dayuhan sa Jerusalem?” (Lucas 24:18)

16. Sa anong bagay na tayo’y pinayuhan ni Pablo na maging “lubos-ang-laki” samantalang maging “sanggol tungkol sa kasamaan”? (1 Corinto 14:20)

17. Sa anong buwan ng mga Judio nakumpleto ni Nehemias ang pagtatayong-muli ng mga pader ng Jerusalem? (Nehemias 6:15)

18. Aling lunsod ang nagsilbing kabisera ng hilagang kaharian ng Israel sa loob ng halos 200 taon? (2 Hari 3:1)

19. Sino ang ama ng propetang si Joel? (Joel 1:1)

20. Anong uri ng puno ang sinabi ni Isaias na itatanim ng isang tao at sa dakong huli’y gagamitin sa pagluluto ng kaniyang pagkain, sa pagpapainit sa kaniyang sarili, at gagawing isang diyos? (Isaias 44:14-17)

21. Anong pangyayari ang kasunod ng ulat ng Bibliya hinggil sa tore ng Babel? (Genesis 11:10)

22. Anong makahulang yugto ng panahon ang agad na sasapit bago lumitaw ang Mesiyas? (Daniel 9:25)

23. Sino ang ina ng mabuting hari na si Hezekias? (2 Hari 18:2; 2 Cronica 29:1)

24. Kapag sinasabi ng isa ang “pagkamuhi sa idolo,” ano ang inaasahang hindi niya gagawin sa mga templo? (Roma 2:22)

25. Sa ano nakasalig ang indibiduwal na paghatol sa bubuhaying-muling patay? (Apocalipsis 20:12, 13)

26. Ayon kay Santiago, sino ang pagpapakitaan ng konsiderasyon na siyang pagkakakilanlang tanda ng tunay na pagsamba? (Santiago 1:27)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share