Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 5/22 p. 31
  • Ang Katalinuhan ng Abstinensiya at Monogamya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Katalinuhan ng Abstinensiya at Monogamya
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • AIDS—Paano Ito Magwawakas?
    Gumising!—1992
  • Paano Ko Maiiwasang Magkaroon ng AIDS?
    Gumising!—1993
  • Pagtulong sa mga May AIDS
    Gumising!—1994
  • Kung Paano Iiwasan ang AIDS
    Gumising!—1988
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 5/22 p. 31

Ang Katalinuhan ng Abstinensiya at Monogamya

HANGGANG sa ngayon, halos 30 milyong tao ang nahawahan ng virus ng AIDS at mahigit sa 6 na milyon ang namatay na. Mga 8,500 bagong kaso ang nasusuri araw-araw​—1,400 sa mga ito ay mga bata, na karaniwang namamatay sa loob ng unang taon ng buhay. Ang tinatawag na mga kampanya para sa ligtas na sekso ay nakatawag ng pansin ng publiko, subalit inaakala ng ilan na hindi ito sapat. “Ang AIDS ay isang sakit na pumapatay,” sulat ni Dr. Steven J. Sainsbury sa The Tampa Tribune, “at anumang paraan na ginagawa upang hadlangan ang paglipat nito ay dapat na 100 porsiyentong mabisa.”

Tungkol sa paggamit ng mga kondom bilang isang paraan ng paghadlang sa AIDS, ganito ang komento ni Dr. Sainsbury: “Maaari nating malasin ang bagay nang ganito. Ipagpalagay na, sa di-alam na mga dahilan, ang mga kotse ay biglang sumasabog tuwing may magpapaandar dito. Sumasabog ang mga motorista sa buong bansa. Sa wakas, ang pamahalaan ay naghaharap ng isang lunas. Ilagay mo lamang ang halong ito sa gasolina, sabi nila, at bababa ng 90 porsiyento ang panganib ng pagsabog. Ituturing mo bang lutas na ang problema? Patuloy ka pa rin bang magmamaneho ng iyong kotse? Duda ako. Kung gayon ay bakit natin tinatanggap ang mga kondom bilang lunas sa AIDS?”

Palibhasa’y kinikilala na ang AIDS ay kadalasang nakukuha sa pamamagitan ng seksuwal na pagtatalik, si Dr. Sainsbury ay nagbibigay ng isang lunas: “Walang pagtatalik hanggang sa ang isa ay handa nang magsagawa ng monogamong ugnayan sa isang tao na hindi nahawahan ng virus. Ang susing mga salita ay abstinensiya at monogamya.”

Ang Bibliya ay nag-uutos ng abstinensiya sa sekso para sa mga walang asawa at monogamya naman para sa mga may-asawa. Ang mataas na mga pamantayan ng Bibliya ay nagbabawal sa pakikiapid, pangangalunya, at homoseksuwalidad. (Mateo 19:4-6; 1 Corinto 6:9, 10; 7:8, 9) Bagaman pinipintasan ng marami ang pamantayang ito, sinasabing ito’y hindi na uso o makaluma, ang moralidad ng Bibliya ay nagtataguyod ng kalusugan at kapayapaan ng isip.​—Isaias 48:17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share