Nasagot ang Lahat Niyang Katanungan
Nasumpungan ng isang lalaking natagpuan ng mga Saksi ni Jehova sa India na ang itinuturo nila ay lubhang kakaiba sa kung ano ang itinuro sa kaniya sa simbahan. Ipinakipag-usap niya ang tungkol dito sa mga Saksi ni Jehova at sumulat pa nga siya sa kanilang tanggapang sangay sa India upang magtanong.
Pagkatapos, isang araw ang lalaki ay sumulat na ganito ang simula: “Minamahal kong mga kapatid sa Lonavla”—ang kinaroroonan ng tanggapang sangay ng mga Saksi sa India. Ganito ang paliwanag niya: “Lahat ng aking mga alinlangan at mga katanungan ay agad na nasagot sa Mayo 8, 1995, ng magasing Gumising! sa ilalim ng paksang ‘Naisip Mo Na Ba?’ Ako ngayon ay talagang kumbinsido na taglay ng mga Saksi ni Jehova ang katotohanan.”
Sinagot ng artikulong iyon sa Gumising! ang mga tanong na gaya ng sumusunod: “Sisikapin bang itago o palitan ng tunay na pagsamba ang isiniwalat na pangalan ng Diyos?” “Anong uri ng asal ang dapat na ibunga ng tunay na relihiyon bilang resulta ng mga turo nito?” “Pahihintulutan ba ng pagsambang sinasang-ayunan ng Diyos ang pakikibahagi sa mga digmaan at pagpapatayan ng lahi o tribo?”
Nagtitiwala kami na matutulungan ka rin ng Gumising! sa iyong paghahanap ng katotohanan sa Bibliya. Kung nais mong tumanggap ng isang kopya o nais mong may dumalaw sa iyong tahanan upang ipakipag-usap sa iyo ang Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.