“Hindi Ko Kailanman Kinahiligan Noon ang Pagbabasa ng Gumising!”
Iyan ang mga salita ng isang estudyante sa San Jose State University, California, na nakaenrol sa isang kurso na Environmental Studies. Ganito pa ang sabi niya: “Mayroon akong impresyon na pangangaralan ako ng magasin—‘Magsimba ka’ o, ‘Maging Saksi ni Jehova ka.’ Subalit, nang mabasa ko ang labas na ito (Enero 8, 1996, ‘Ang Ating Nanganganib na Planeta—Maililigtas ba Ito?’), ay nagulat ako sa pagiging makatotohanan nito! Kabilang sa mga artikulo ang isang nakapagtuturong larawan ng ‘Ilan sa Pangunahing Problemang Pangkapaligiran ng Daigdig,’ na ipinakikita sa mapa ang mga dakong dumaranas ng pagkalbo sa gubat, nakalalasong basura, polusyon ng atmospera, kasalatan ng tubig, nanganganib malipol na mga uri, at pagkapinsala ng lupa.
“Wala pa akong mga anak, subalit nag-aalala ako na kung magkakaroon pa kaya sila ng malinis na hanging mahihinga, mga parkeng mapaglalaruan, o tubig upang makaligtas. . . . Pinapupurihan ko kayo sa mga artikulong ito.”
Ang Gumising! ngayon ay may sirkulasyon na 18.3 milyon sa bawat labas sa 80 wika, 56 dito ay sabay-sabay na inilalathala. Kung gusto mong magbasa ng magasing ito nang palagian, pakisuyong makipagkita sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar, sa pamamagitan ng telepono o sa lokal na Kingdom Hall, o sumulat sa pinakamalapit na direksiyon na nakatala sa pahina 5.