Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 8/8 p. 15
  • Alam Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alam Mo Ba?
  • Gumising!—1997
Gumising!—1997
g97 8/8 p. 15

Alam Mo Ba?

(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa ibinigay na mga sipi sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nakalimbag sa pahina 26. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.)

1. Bagaman pinahintulutan ni Jehova na talunin ng kaniyang mga kaaway ang kaniyang bayan nang sila’y maging di-tapat, bakit nang dakong huli’y pinaghigantihan niya ang mga bansang iyon? (Deuteronomio 32:27; Isaias 64:2; Nahum 1:2)

2. Anong pangalan ang ibinigay ni Raquel sa kaniyang ikalawang anak na lalaki nang siya’y maghingalo dahil sa panganganak? (Genesis 35:18)

3. Nang ihambing ni Pablo ang espirituwal na mga sandata ng isang Kristiyano sa makalamang pakikidigma, sa ano niya inihalintulad ang pananampalataya? (Efeso 6:16)

4. Nang si David ay tumatakas kay Haring Saul, kaninong hari siya nakasumpong ng kanlungan? (1 Samuel 27:2)

5. Ipinangako ng Diyablo kay Jesus ang lahat ng mga kaharian sa lupa bilang kapalit ng ano? (Lucas 4:5-7)

6. Anong mabilis na pagkilos ni Pinehas ang nagwakas sa salot na kumitil ng 24,000 Israelita? (Bilang 25:7-9)

7. Sa paggamit ng anong ekspresyon ipinahiwatig ni Job na naligtasan niya ang kamatayan nang walang anumang naisalba o halos wala? (Job 19:20)

8. Anong maitim na kahoy ang kadalasang ginagamit na kasama ng garing sa imbuti? (Ezekiel 27:15)

9. Sa anong dahilan sinalakay ng Asiryanong hari na si Tiglath-pileser ang Siria, binihag ang Damascus, at dinala ang mga bihag sa Kir? (2 Hari 16:7-9)

10. Pagkarinig na ang kaniyang panganay na anak kay Bath-sheba ay namatay, ano ang ginawa ni David na ikinagulat ng kaniyang mga lingkod? (2 Samuel 12:21)

11. Ano ang tinawag ni Jesus na “ang lampara ng katawan”? (Mateo 6:22)

12. Sa pamamagitan ng ano sinabi ni Jehova na aakayin niya si Gog tungo sa kaniyang panghuling pagsalakay sa bayan ng Diyos? (Ezekiel 38:4)

13. Kaninong katawan nakipagtalo si Miguel na arkanghel sa Diyablo? (Judas 9)

14. Anong halaman ang ibinigay ng Diyos upang liliman si propetang Jonas pagkatapos ng misyon niya sa Nineve? (Jonas 4:6)

15. Dahil siya’y lubhang nalugod nang si Esther ay maging reyna niya, ano ang ipinagkaloob ni Ahasuero sa kaniyang hurisdiksiyonal na mga distrito? (Esther 2:18)

16. Sino ang nagpumilit na maglingkod na buhatin ang pahirapang tulos ni Jesus? (Lucas 23:26)

17. Sinong inapo ni Juda ang, dahilan sa walang mga anak na lalaki, nagbigay ng kaniyang anak na babae sa pag-aasawa sa kaniyang Ehipsiyong lingkod upang magpatuloy ang kaniyang linya ng lahi? (1 Cronica 2:34, 35)

18. Bago namatay si Raquel sa panganganak, ano ang tiniyak sa kaniya ng kaniyang komadrona? (Genesis 35:17)

19. Anong mga sangkap ang ginamit para sa pagpapaganda kay Esther at sa mga babaing kasama niya? (Esther 2:12)

20. Sino ang nagbukas ng usapan tungkol sa kahalili ng di-tapat na si Judas? (Gawa 1:15-22)

21. Sino ang ama ni Jezebel? (1 Hari 16:31)

22. Sinong dalawang lalaki ang inilagay ni Jehova na tagapamahala sa pagtatayo ng tabernakulo? (Exodo 31:2, 6)

23. Anong payo ang ibinigay ni Jesus tungkol sa walang itinatanging panunumpa? (Mateo 5:37)

24. Anong napakabangong yerba na si Jesus lamang ang bumanggit sa Bibliya? (Mateo 23:23)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share