Pinananauli Nito ang Pag-asa
Ito ang nadama ng isang lalaking nakatanggap ng isang kopya ng apat-na-pahinang pulyeto na tinatawag na Kingdom News. Pinamagatan itong “Bakit Kaya Punung-Puno ng Suliranin ang Buhay?” Ang liham ng lalaki hinggil dito ay napalathala sa peryodikong El Tiempo, ng Bogotá, Colombia. Isinulat niya:
“Sa panahong ito na para bagang lahat ng bagay ay nangyayari sa mga gawang karahasan at katiwalian, na para bang wala nang pag-asa, kailangan na tayong kumilos upang humanap ng sapat na espirituwalidad upang mapanatiling buháy ang ating pananampalataya. Narito ang buod ng tekstong ibinigay sa akin:
“‘Ibinubunyag ng Bibliya na ang Diyos ay makikialam sa mga gawain ng tao sa pamamagitan ng kaniyang makalangit na pamahalaan sa mga kamay ni Jesu-Kristo. Dudurugin ng Kahariang ito ang lahat ng tiwaling pamahalaan sa planeta. May makaliligtas kaya sa pagwawakas ng sanlibutang ito? Saan mabubuhay magpakailanman ang mga makaliligtas na ito? Ang mga matuwid ay magmamay-ari ng lupa. Sa bagong sanlibutan ng Diyos, hindi na magkakaroon ng kamatayan. Hindi na magkakaroon ng krimen, karalitaan, gutom, sakit, paghiyaw, ni kamatayan man. Mabubuhay na muli ang mga patay, at ang lupa ay babaguhin tungo sa isang literal na paraiso.’”
Ang mga Saksi ni Jehova ay nalulugod na tumulong sa mga nagnanais na sumulong sa kaalaman sa Bibliya. Kung nais mong tumanggap na higit pang impormasyon, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa direksiyong pinakamalapit sa inyo na nakatala sa pahina 5.