Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 10/22 p. 32
  • Talagang Pinahahalagahan Niya Ang Bantayan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Talagang Pinahahalagahan Niya Ang Bantayan
  • Gumising!—1997
Gumising!—1997
g97 10/22 p. 32

Talagang Pinahahalagahan Niya Ang Bantayan

“Bagaman ako’y isang Romano Katoliko,” ang sulat ng isang estudyante na nasa ikaanim na baitang mula sa Toledo, Ohio, E.U.A., “nais kong sumuskribe sa inyong magaling na magasin. Si Trevor ang dahilan kung bakit naging interesado ako sa Ang Bantayan. Katabi ko siya sa upuan sa klase. Naging magkaibigan kami sa loob halos ng isang taon na ngayon, at tinuruan niya ako ng maraming bagay tungkol kay Jesus, kay Jehova, at sa mga Saksi ni Jehova.

“Si Trevor ay kasing-edad ko, kasintaas ko, at lubhang dedikado sa kaniyang relihiyon. May suskrisyon siya sa Ang Bantayan at ipinahiram niya sa akin ang isa sa kaniyang mga magasin. Gusto ko ang makatuwirang mga artikulo na isinusulat ninyo. Inaasahan kong hindi ninyo papansinin ang bagay na hindi ako isang Saksi ni Jehova at sana’y hayaan ninyo akong sumuskribe sa inyong magasin.”

Ang Bantayan at ang kasama nitong magasin, ang Gumising!, ay binabasa nang may kasiyahan ng mga tao mula sa maraming nasyonalidad at relihiyon sa buong daigdig. Noong nakaraang taon lamang mahigit na 900 milyong kopya ng dalawang magasing ito ang inilimbag sa mahigit na 120 wika!

Ikaw man ay makikinabang sa pagbabasa ng Ang Bantayan at Gumising! nang palagian. Kung nais mong magkaroon ng isang kopya o ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share