Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa ibinigay na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nakalimbag sa pahina 27. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.)
1. Nang tinutuligsa ang mga eskriba at mga Fariseo, sino ang sinabi ni Jesus na “pinaslang sa pagitan ng santuwaryo at ng altar”? (Mateo 23:35)
2. Sino ang panganay na anak na lalaki ni Benjamin? (Genesis 46:21)
3. Sinong Aaronikong saserdote ang kilalang tagakopya at guro ng Batas? (Nehemias 8:1, 2)
4. Ano ang dapat na maging tingin ng sanlibutan sa isang tao upang maging tunay na marunong? (1 Corinto 3:18, 19)
5. Ano ang tawag sa nakalawit na bahagi ng tainga? (Levitico 14:14)
6. Ano ang sinabi ni Pablo na resulta ng pag-ibig sa salapi? (1 Timoteo 6:10)
7. Ano ang katulad ng “sahig” ng makalangit na karo sa pangitain ni Ezekiel? (Ezekiel 1:22)
8. Ano ang pangalan ng gulpo na doo’y natakot ang mga marinero na sumadsad ang kanilang barko habang dinadala si Pablo sa Roma bilang isang bilanggo? (Gawa 27:17)
9. Saang puno nanggaling ang tungkod ni Aaron? (Bilang 17:8)
10. Hanggang saan umabot ang pagtatanggol ni Lot sa kaniyang mga panauhin mula sa nagkakagulong mga tao? (Genesis 19:6-8)
11. Ano ang pangalan sa Bibliya ng lunsod ng Memphis sa Ehipto? (Isaias 19:13)
12. Ano ang tawag sa isang libay na kulay pula? (Kawikaan 5:19)
13. Anong mga insekto ang tinatawag na “isang bayan” dahil sa kanilang mas masalimuot na organisasyong panlipunan? (Kawikaan 30:25)
14. Sino ang Canaanitang ama ng asawa ni Juda? (Genesis 38:2)
15. Ano ang tawag sa mestisong supling ng isang asnong lalaki at ng isang kabayong babae? (2 Samuel 13:29)
16. Ano ang sinasabing mga “kasuklam-suklam kay Jehova”? (Kawikaan 12:22)
17. Sinabihan si Elias na 7,000 sa Israel ang hindi yumukod sa aling huwad na diyos? (1 Hari 19:18)
18. Anong salita ang ginamit upang isalin kapuwa ang Hebreo at Griegong mga salita para sa Sheol at Hades, anupat nagbunga ng kalituhan sa kung ano ang nangyayari sa mga patay? (Gawa 2:31, King James Version)
19. Sino ang humatol nang mali na ang matuwid na si Ana ay lasing? (1 Samuel 1:13)
20. Sino sa kongregasyon sa Roma ang tinawag ni Pablo na “ang sinang-ayunan kay Kristo”? (Roma 16:10)
21. Sinong apostol ang may mas maraming sinabi na naiulat sa Ebanghelyo kaysa sa sinuman sa 11 pa? (Mateo 15:15)
22. Sa pamamagitan ng paghahayag ng ano kung kaya naligtasan ni Pablo ang hagupit? (Gawa 22:25-29)
23. Anong dalawang espesya ang ginamit ni Nicodemo sa paghahanda sa bangkay ni Jesus para sa paglilibing? (Juan 19:39)
24. Ilang lalaking may ketong ang pinagaling ni Jesus sa isang pagkakataon na isa lamang ang bumalik para magpasalamat sa kaniya? (Lucas 17:12-19)
25. Ipinagbawal ng Batas na huwag hamakin ang sinuman na may anong kapansanan, yamang hindi niya kayang ipagtanggol ang kaniyang sarili? (Levitico 19:14)