Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 12/22 p. 32
  • Pinakilos Sila Nito na Mangaral

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pinakilos Sila Nito na Mangaral
  • Gumising!—1997
Gumising!—1997
g97 12/22 p. 32

Pinakilos Sila Nito na Mangaral

Sa Khabarovsk, isang lunsod na may humigit-kumulang 700,000 katao sa Dulong Silangan ng Russia, ay maraming kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova. Dalawang babaing nakatira sa isang nayon sa di-kalayuan ang kumuha ng isang kopya ng aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Gayunman, hindi sila nadalaw sa kanilang nayon ng mga Saksi sa Khabarovsk.

Kaya pinasimulang pag-aralan ng dalawang babae ang aklat, sa pinakamabuting paraan na nalalaman nila, kasama ang Bibliya. Nang sila’y matapos, ipinasiya nila na mahalagang sabihin sa iba ang kanilang natutuhan, gaya ng ginawa ng mga Kristiyano noon.​—Mateo 10:7; Gawa 20:20.

Sa unang pintong pinuntahan nila, nakilala ng dalawang babae ang isang lalaki na pinagdausan nila ng pag-aaral sa Bibliya. Nang maglaon, kapuwa ang asawa ng lalaki at ang anak na babae nito ay nakisama sa regular na talakayan sa Bibliya. Pagkaraan, matapos na makatagpo nila ang iba pang mga Saksi, silang lima ay nagpabautismo. Sa ngayon, pambuong-panahong mga ministro na ang dalawang babaing ito na nagkusang dumalaw sa iba.

Sa pagbabasa ng aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, ikaw man ay maaaring mapakilos na ibahagi sa iba ang mga turo sa Bibliya. Kung nais mong tumanggap ng isang kopya o nais mong may dumalaw sa iyo upang magdaos ng isang libreng pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa angkop na direksiyon na nasa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share