Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 3/8 p. 32
  • Tulong sa Gumuguhong Pag-aasawa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tulong sa Gumuguhong Pag-aasawa
  • Gumising!—1998
Gumising!—1998
g98 3/8 p. 32

Tulong sa Gumuguhong Pag-aasawa

Isang babae mula sa North Island ng New Zealand ang sumulat may kinalaman sa aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya: “Nang una akong maupo upang pag-aralan ang publikasyon, nadama ko na para bang ang aking pag-aasawa ay umabot sa punto kung saan maaari kong ‘ayusin ito o tapusin na ito.’”

Ipinaliwanag niya ang kaniyang pinagmulan. “Ang aking ina ay dumanas ng dalawang labis na mapang-abusong pag-aasawa. Bunga nito, kami’y laging tinuturuan na ang mga lalaki’y walang halaga at na ang layon lamang nila ay apihin ang mga babae. Kaya’t ako’y lumaking napakatigas ang ulo at sutil na babaing hindi umuurong sa isang pagtatalo.”

Natalos ng babae ang pangangailangang magbago. “Natanto ko na dahil sa hindi ko pagpapasakop sa aking asawa at dahil sa labis akong mapagmataas, naiwawala ko ang pagkakataon para sa maligayang pamilya.” Kaya gumawa siya ng mahahalagang pagbabago, gaya ng ipinaliwanag niya: “Ngayon ay pinag-aaralan naming mag-asawa ang aklat bilang isang pamilya, at pinag-aaralan ko pa rin kung paano magiging isang Kristiyanong asawang babae. Maligayang-maligaya kami ngayon sa aming kaugnayan subalit marami pa kaming pagsulong na gagawin.

“Ang aming tahanan ay hindi pa kailanman naging punô ng pag-ibig at kapayapaan na gaya sa ngayon.”

Kung ibig ninyong magkaroon ng libreng kopya ng 32-pahinang brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?, na doo’y tinatalakay sa aralin 8 “Ang Buhay-Pampamilya na Nakalulugod sa Diyos,” pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5. Kung ibig din ninyong may magdaos sa inyo ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong banggitin ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share