Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 4/8 p. 32
  • Binati ng Siruhano sa Puso ang Gumising!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Binati ng Siruhano sa Puso ang Gumising!
  • Gumising!—1998
Gumising!—1998
g98 4/8 p. 32

Binati ng Siruhano sa Puso ang Gumising!

Ang Gumising! noong Disyembre 8, 1996, ay nagtampok ng isang serye ng mga artikulo na pinamagatang “Atake sa Puso​—Ano ang Maaaring Gawin?” Binasa ni Propesor Thomas Stegmann, isa sa nangungunang siruhano sa Alemanya na nagpapalit ng puso at pinuno ng isang departamento na umoopera ng dibdib, puso, at mga ugat, ang mga artikulo at isinulat ang ganito sa mga tagapaglathala:

“Interesado ako habang binabasa ang inyong ulat tungkol sa paksang may kinalaman sa sakit sa puso at, lalo na, sa mga atake sa puso. Bilang isang dalubhasa sa larangang ito, naudyukan akong sabihin sa inyo na ang inyong paliwanag tungkol sa mga atake sa puso at ang inyong impormasyon hinggil sa paksa ay napakahusay​—anupat sa isang banda ay nagpapakita ng malawak na pang-unawa sa indibiduwal na pasyenteng may sakit sa puso at, sa kabilang banda naman ay nagpapakita ng isang tamang ulat hinggil sa mga katotohanan ayon sa medisina. Ang paliwanag ay naglalaan ng isang magaling na sumaryo at masusing impormasyon. Ang pagbibigay ninyo ng pantanging pagpapahalaga sa maagang pagkilala sa mga sintomas ng atake sa puso ay napakahalaga rin.

“Sa kabila ng pinagsamang pagsisikap ng siyensiya sa medisina at ng lipunan sa pangkalahatan, ang arteriosclerosis​—at lalo na nga ang atake sa puso​—ang pinakakaraniwang dahilan ng kamatayan sa Kanluraning mga bansa. Bilang isang siruhano sa puso na nakikitungo sa malulubhang pagbabago sa coronary arteriosclerosis (paninigas, paninikip, pagbabara ng ugat) sa araw-araw at na gumagamot sa mga sakit na ito sa pamamagitan ng sari-saring paraan ng pag-opera sa puso, alam ko kung gaano kahalaga sa mga tao ang isang may-basehan at makatotohanang paliwanag​—at gayundin sa mga posibleng maging pasyente nito.

“Pahintulutan ninyo akong ipaabot ang mainit na pagbati sa inyong paglalarawan sa paksang ito​—kakambal ng pag-asa na hangga’t maaari’y mapasakamay sana ng maraming tao ang inyong artikulo.”

Kung nais mong regular na mabasa ang Gumising! o nais mong may dumalaw sa iyo upang magdaos ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share