Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 4/22 p. 12
  • Kung Bakit Hindi Na Makita ang mga Bituin

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Bakit Hindi Na Makita ang mga Bituin
  • Gumising!—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Ang mga Bituin at ang Tao—May Kaugnayan Ba?
    Gumising!—1994
  • Ang mga Bituin ay May Mensahe sa Iyo!
    Gumising!—1994
  • Nakaaapekto ba sa Buhay Mo ang mga Bituin?
    Gumising!—2012
  • Liwanag, Tanglaw
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Gumising!—1998
g98 4/22 p. 12

Kung Bakit Hindi Na Makita ang mga Bituin

SINO ang tumitig sa langit sa gabi at hindi namangha sa nagniningning na kagandahan ng napakaraming bituin sa kalawakan? Gayunman, ang kagila-gilalas na tanawing ito ay unti-unting naglalaho sa ating paningin. Bakit? Polusyon ng liwanag.

Napakatindi ng polusyon ng liwanag, ang nakasisilaw na sinag na likha ng artipisyal na mga ilaw sa mga lansangan, tahanan, mga bahay-kalakal, pampublikong mga gusali, at mga dako para sa palakasan. Halos kalahati ng liwanag na ito ay pumapailanlang sa kalangitan, anupat hindi natin gaanong nakikita ang mga bituin. Gaano kaseryoso ang suliraning ito? Halimbawa, sa isang maaliwalas at madilim na gabi sa hilagang Europa, ang mga mata mismo ay makakakita ng mga 2,000 bituin. Ngunit ang bilang na ito ay bumaba na sa 200 para sa mga nakatira sa labas ng isang bayan, at sa gitna ng isang lubhang naiilawang lunsod, ang isa ay baka makakita na lamang ng 20 bituin. Nangangamba ang ilang astronomo na hangga’t hindi gumagawa ng mga hakbang, wala nang makikitang bituin sa hilagang Europa pagkaraan ng 25 taon.

Mangyari pa, mahalaga ang ilang ilaw. Nakahahadlang ito sa krimen at nagpapadama ng higit na kapanatagan sa mahihinang maybahay. Subalit ang labis na nakasisilaw na liwanag ay nagdudulot ng kaigtingan at sumisira sa pagtulog. Hindi lamang mga tao ang apektado. Ang nandarayuhang mga ibon at kulisap ay maaaring malito ng liwanag, at masira ang biyolohikal na orasan ng mga halaman.

Ngunit ano ang maaaring gawin upang mabawasan ang suliranin? Isang nakatutulong na hakbang ang pagtiyak na ang ilaw sa labas ay angkop na natatabingan at nakaanggulo pababa. Ang mga ilaw panseguridad ay maaaring mabuksan sa pamamagitan ng sensor, sa halip na laging nakabukas. Hinarap ng isang lugar sa labas ng isang lunsod sa Pransiya ang suliraning ito sa pamamagitan ng paglalagay sa labas ng mga ilawang ginagamitan ng high-pressure sodium, na naglalaan ng mas wastong nakapokus na liwanag, at sa pamamagitan ng pagpupuwesto ng mga takip sa nakakabit nang low-pressure na mga ilawan sa lansangan, anupat itinutuon ang liwanag pababa. Ang mga daan ay pinahiran ng nakababawas-ng-liwanag na itim na alkitran, at ang mga ilaw ay pinapatay sa mga pampublikong gusali pagkalipas ng 11:00 n.g. Hindi lamang nito halos inaalis ang polusyon ng pataas na liwanag at binabawasan ang naaaninag na liwanag nang dalawang-katlo kundi tumaas nang 30 porsiyento ang mahusay na paggamit ng enerhiya.

Mangyari pa, lahat ng gayong solusyon ay nangangailangan ng panahon at salapi​—mga mahalagang bagay na kakaunti na sa ngayon. Anong inam na malaman na malapit nang alisin ng pamahalaan ng Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang Anak, si Kristo Jesus, ang lahat ng uri ng polusyon! Kung magkagayo’y malinaw na makikitang muli ng mga sakop nito ang mga gawang-kamay ng ating Maylalang, ang magandang mabituing sangkalangitan.​—Awit 19:1, 2; Apocalipsis 11:18.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share