Gumising!—“Isang Napakahalaga at Lubhang Kailangang Kasangkapan”
“SALAMAT sa inyong artikulong ‘RSD—Di-maipaliwanag, Makirot na Sakit,’ sa isyu ng Setyembre 8, 1997. Bilang isang reporter ng hukuman, madalas akong hilingan na magtala ng pahayag hinggil sa sari-sari at masalimuot na mga isyu. Kamakailan lamang ay iniulat ko ang hinggil sa pahayag ng isang anesthesiologist na nagpapakadalubhasa sa pagkontrol ng kirot. Ang buong paksa ng pahayag ay ang RSD [Reflex Sympathetic Dystrophy]. Dahil sa regular na pagbabasa ng Gumising!, agad akong naging pamilyar sa mga termino at mga pamamaraan ng paggamot, na ipinaliwanag nang malinaw sa isyu ng Setyembre. Naibahagi ko pa nga nang dakong huli ang artikulong ito sa ilang abogado na sangkot sa kasong ito.
“Itinuturing ko ang Gumising! na isang napakahalaga at lubhang kailangang kasangkapan sa aking patuloy na pag-aaral. Pinananatili nitong malawak ang aking kaalaman sa napakaraming paksa.—G. M. A.”
Kung gusto mong tumanggap ng isang bagong kopya ng Gumising!, na ngayo’y inilalathala sa 81 wika, pakisuyong makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar o sumulat sa pinakamalapit na direksiyong nakatala sa pahina 5.