‘Pinalalawak ng mga Ito ang Aming Pangmalas’
Ang pinuno ng kagawaran ng mga wikang banyaga sa Karakol Institute of Management sa Kyrgyzstan, isang dating republika ng Unyong Sobyet, ay pumuri sa mga publikasyon ng mga Saksi ni Jehova. Isinulat niya ang sumusunod sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Russia:
“Ang inyong mga aklat at brosyur ay nakatulong nang malaki sa amin sa pagtuturo ng mga wikang Ingles, Aleman, Ruso, Kyrgyz at Turko sa ilalim ng maligalig na mga kalagayan sa lipunan at ekonomiya sa ngayon. . . . Ang inyong mga brosyur ay lalo nang hinahanap niyaong mga nag-aaral ng praktikal na pagsasalin . . . Salamat sa mga aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?, Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya, at Mga Tanong ng Kabataan—Mga Sagot Na Lumulutas.
“Maraming Saksi ni Jehova sa aming mga estudyante. Binabasa nila ang mga artikulo ng Gumising! nang may interes at ginagamit ang mga iyon sa kanilang mga araling-bahay.”
Pantanging tinukoy ng manunulat ang Gumising! upang purihin: “Maraming salamat sa kawili-wili at nakapagtuturong mga artikulo. . . . Ikinikintal ng mga ito ang pag-asa sa amin at pinalalawak ang aming pangkalahatang pangmalas. . . . Lahat kami’y nasisiyahan sa pagbabasa sa bahagi ng Gumising! na ‘Pagmamasid sa Daigdig.’ ”
Kung gusto mong tumanggap ng isang kopya ng Gumising! o dalawin ng mga Saksi ni Jehova sa inyong tahanan upang pag-usapan ang Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.