“Isang Natatanging Bagay”
Pagkatapos mabasa ang aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, isang aklat na nagsisikap magharap ng bawat pangyayari sa buhay ni Jesus sa lupa na inilalahad sa apat na Ebanghelyo, isang 70-taong-gulang na babae sa Moscow, Russia, ang bumulalas: “Hindi pa ako kailanman nakabasa ng gayong literatura. Gusto kong makaalam ng higit pa tungkol sa Diyos at kay Jesu-Kristo at mag-aral pa nga ng Bibliya.”
Ang tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Russia ay malimit tumanggap ng gayong mga sulat tungkol sa literatura sa Bibliya. Isang nahahawig na sulat ang ipinadala ng isang babae sa Chelyabinsk, isang lunsod na may mahigit na isang milyong tao na mga sanlibo’t limang daang kilometro ang layo sa timog-silangan ng Moscow.
Ganito ang sabi niya tungkol sa Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman: “Ang aklat ay isang natatanging bagay. Ikinikintal nito sa mga tao ang pag-asa sa isang maligayang kinabukasan at tinutulungan silang malaman ang tungkol sa sinaunang kasaysayan. Bago ako nagkaroon ng aklat na ito, hindi ko kailanman naisip ang tungkol sa Diyos at hindi ako kailanman naging interesado sa relihiyon, subalit ngayon ay gusto kong magpabautismo. Gustung-gusto kong pag-aralan ang inyong literatura. Gusto kong ipakipag-usap sa aking mga kaibigan, kakilala at kamag-anak ang tungkol sa mga bagay na nabasa ko.”
Ikaw man ay maaaring tumanggap ng literatura na makatutulong sa iyo na matuto nang higit tungkol kay Jesus at sa salig-Bibliyang pag-asa ng buhay sa isang bagong sanlibutan. Kung gusto mong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman o gusto mong may dumalaw sa inyong tahanan upang magdaos ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya sa iyo, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa angkop na direksiyon sa pahina 5.