Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 8/22 p. 32
  • “Nakagiginhawa sa Magulong Daigdig na Ito”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Nakagiginhawa sa Magulong Daigdig na Ito”
  • Gumising!—1998
Gumising!—1998
g98 8/22 p. 32

“Nakagiginhawa sa Magulong Daigdig na Ito”

GANIYAN inilarawan ng isang 22-anyos na si Igor mula sa Yugoslavia ang magasing Bantayan sa kaniyang liham noong nakaraang taon. Ganito ang sabi niya:

“Nagsimula akong magbasa ng magasing Bantayan mga dalawang buwan na ang nakalipas. Binabasa ko kapuwa ang bago at mas lumang mga labas ng Ang Bantayan (mula 1991), at gustung-gusto ko ang mga ito. Inaakala kong ang magasing gaya nito ay talagang nakagiginhawa sa magulong daigdig na ito.

“Lalo nang kawili-wili sa akin ang mga artikulo na inilalathala ninyo tungkol sa mga misyonero, at ito ang dahilan ng aking pagsulat sa inyo. Una, interesado akong malaman kung puwede akong maging isang Saksi ni Jehova. Dapat kong banggitin na ako’y isang Katoliko, pero sa palagay ko ay mas mabuti ang inyong relihiyon kaysa anumang iba, lalo na sapagkat walang relihiyon ang gayon na lamang ang pagsisikap upang ipalaganap ang Salita ng Diyos.

“Kung hindi hadlang ang bagay na ako’y isang Katoliko, interesado akong malaman kung paano ako magiging isang Saksi ni Jehova. Isa lamang ang hangad ko. Kung maaari, nais kong mabautismuhan sa Belgrade. Kung posible ito, pakisuyong sabihin ninyo sa akin kung kailan ako makapupunta at kung may anumang kahilingan para sa bautismo. Kung hindi naman magagawa ang naisin ko, pakisuyong bigyan ninyo ako ng impormasyon kung saan ako maaaring mabautismuhan at kung sino ang lalapitan ko.

“Pagkatapos, gusto kong malaman kung paano magiging misyonero ang isa. Gusto kong malaman kung makapagsisimula ako sa pagsasanay para sa paglilingkod bilang misyonero karaka-raka pagkatapos ng aking bautismo. Kailangan bang magkaroon ng ilang taon sa paglilingkod? . . .

“Pakisuyong taimtim ninyong isaalang-alang ang aking liham. Inaakala kong ang pagiging isang misyonero ang pinakamabuting paraan upang mapalaganap ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos.”

Sa pahina 2 ng bawat labas ng Ang Bantayan, ipinaliliwanag ang layunin ng magasing ito: “Inaaliw nito ang lahat ng tao taglay ang mabuting balita na malapit nang lipulin ng Kaharian ng Diyos yaong mga umaapi sa kanilang kapuwa at na gagawin nitong paraiso ang lupa.” Kung nais mo ng isang kopya o gusto mong may dumalaw sa inyong bahay upang magdaos ng isang libreng pakikipag-aral ng Bibliya sa iyo, sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share