Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 10/22 p. 32
  • ‘Sabik na Naghihintay sa Darating na Paraiso’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Sabik na Naghihintay sa Darating na Paraiso’
  • Gumising!—1998
Gumising!—1998
g98 10/22 p. 32

‘Sabik na Naghihintay sa Darating na Paraiso’

Iyan ang sinabi ng isang 14-na-taong-gulang na nagngangalang Aleksandr sa isang liham na isinulat niya sa tanggapang pansangay ng Samahang Watch Tower sa Russia. Ang kabataang Ruso na ito ay binigyan ng mga kopya ng Ang Bantayan at ng iba pang literatura na inilathala ng mga Saksi ni Jehova. Ganito ang paliwanag niya sa kaniyang liham:

“Nang kami ng aking mga magulang ay sumakay ng tren patungong Khabarovsk, nilapitan kami ng mga Saksi ni Jehova. Marami silang sinabi sa amin tungkol sa mga hula sa Bibliya, sa mga huling araw, at sa walang-hanggang buhay sa lupa.”

Ganito nagtapos ang kabataan: “Kay sayang malaman na malapit nang magwakas ang kabalakyutan at ang mga tao ay mabubuhay nang walang hanggan sa lupa! Ako’y sabik na naghihintay sa panahon na ang lupa ay babaguhin upang maging isang magandang paraiso. Labis kong pahahalagahan kung maisusulat ninyo sa akin kung paano idinaraos ang mga pag-aaral sa Bibliya.”

Marahil kayo man ay nagnanais ng higit pang kaalaman tungkol sa mga layunin ng Diyos. Kung gayon, pakisuyong punan ang kupon sa ibaba at ipadala ito sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa angkop na direksiyon sa pahina 5.

□ Padalhan ninyo ako ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin may kinalaman sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share