“Mag-iibigan Pa Kaya sa Isa’t Isa ang Lahat ng Tao?”
Noong Oktubre at Nobyembre ng 1997, ang mahigit na 300 milyong kopya ng apat-na-pahinang pulyeto na “Mag-iibigan Pa Kaya sa Isa’t Isa ang Lahat ng Tao?” ay ipinamahagi sa buong daigdig sa mahigit na 100 wika. Maraming kasiya-siyang komento ang sinabi hinggil dito, kasali na ang sumusunod na pagrerepaso sa Express-Times sa Easton, Pennsylvania, E.U.A.:
“Itinatampok nito ang mga halimbawa ng paglamig ng pakikitungo ng mga magkakapit-bahay sa isa’t isa—na nambibiktima pa nga sa isa’t isa, gaya sa Bosnia-Herzegovina at Rwanda, kung saan ang matagal nang magkakapit-bahay na may magkaibang grupo ng lahi at relihiyon ay nagpapatayan.
“Sa ating sariling bansa, ipinakita nito ang isang matandang nagsosolo sa buhay na walang dumadalaw sa kaniya, at isang mabisang larawan ng mukha ng isang nahihintakutang babae na nakasilip sa siwang ng natatanikalaang pinto.”
Ang tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Slovenia ay tumanggap ng kahilingang ito mula sa The Philosophical Literature Club Impresie: “Kung tungkol sa paliwanag hinggil sa relihiyosong katotohanan, nakalulungkot sabihin, karapatan lamang ito ng Simbahang Romano Katoliko sa Slovenia. Upang maunawaang mabuti ang mga relihiyosong katotohanang ito, buong-pagpipitagan naming hinihiling na padalhan ninyo kami ng 50 kopya ng tract na may pamagat na “Mag-iibigan Pa Kaya sa Isa’t Isa ang Lahat ng Tao?” Hinangaan namin ito bilang isang bagay na kakaiba, hindi lamang ang nilalaman nito kundi pati na ang bisang nagawa ng mga larawan nito.”
Kung nais mo ring tumanggap ng katibayan na ang isang daigdig ng mga tao ay maaaring mamuhay nang payapa at magkakasundo, pakisuyong sulatan at ipadala sa koreo ang kalakip na kupon.
◻ Padalhan ako ng isang kopya ng brosyur na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?
◻ Pakisuyong makipag-alam sa akin hinggil sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.