Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 1/22 p. 32
  • “Parang Gatong sa Apoy”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Parang Gatong sa Apoy”
  • Gumising!—1999
Gumising!—1999
g99 1/22 p. 32

“Parang Gatong sa Apoy”

GANIYAN inilarawan ni Jennifer, isang 16-anyos na batang babae mula sa Oakland, California, E.U.A., ang mga magasing Bantayan at Gumising! “Sa patuloy na paggatong sa aking sigasig sa pamamagitan ng mga nilalaman nito, nag-aalab ako,” ang pagkakasabi niya. “Ang pagkakasulat sa mga bagay-bagay,” aniya, “ay maliwanag na nagpapatunay na ang mga ito’y isinulat upang ihayag ang katotohanan ng mga bagay sa mga nasa dilim.”

Sumulat din si Jennifer upang magpasalamat sa “lahat ng impormasyon na nagtatanggol sa pagiging totoo ng Bibliya.” Sabi niya: “Halos lahat ng tao na nakausap ko ay walang pagtitiwala sa Bibliya. Ang bagay na inilalathala ang lahat ng impormasyong ito na nagpapatunay na karapat-dapat suriin ang Bibliya ay nagpapangyaring malaman ko na ang impormasyong ito ay kailangan hindi lamang kung saan ako nakatira.”

Totoong-totoo ito. Maliwanag na kailangan sa buong daigdig ang impormasyon na nagtatampok sa kahalagahan ng Bibliya. Iyan ang dahilan kung bakit inilaan ang brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao. Sinasagot nito ang mga katanungan gaya ng: Mapagkakatiwalaan ba ang Bibliya? Kasuwato ba ito ng siyensiya? Isa ba itong praktikal na aklat para sa makabagong pamumuhay?

Makatatanggap ka ng 32-pahinang brosyur na ito sa pamamagitan ng pagsagot at paghulog ng kalakip na kupon sa koreo sa direksiyon na nasa kupon o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Padalhan ako ng isang kopya ng brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao.

□ Pakisuyong puntahan ako may kinalaman sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share