Isang Pasiyang Hindi Mo Pagsisisihan
DAAN-DAANG milyong lalaki’t babae na isinilang pagkatapos ng Digmaang Pandaigdig II ang ngayo’y nasa katanghaliang edad na. Bagaman marami ang kontento na sa nagawa nila, ang ilan ay nasisiphayo. Sila’y nag-asawa, nagtrabaho, nag-anak, at nagpamilya, at nakita ng ilan ang pagkamatay ng kanilang mga magulang. Sa ngayon, habang pumuputi na ang kanilang buhok, sila’y tumataba, at humihina na ang mga tuhod, inaakala ng ilan na hindi nila naabot ang kanilang mga tunguhin sa buhay. Sa pagkasiphayo, maitatanong nila, ‘Ano ba ang kahulugan ng buhay?’ Marahil ay naitanong mo na rin ito.
Walang alinlangang mahalagang gunitain ang iyong buhay sa pana-panahon. Sa kabilang dako naman, ang pagtutuon ng isip sa mga nakaraang pasiya na iyong pinagsisisihan ay maaari lamang makasiphayo sa iyo. Sa halip na sabihin sa iyong sarili, ‘Kung sana’y . . . ,’ mas makabubuting ituon ang pansin sa matatalinong pasiya na magagawa mo pa sa hinaharap. Isa sa pasiyang ito ay ang suriin ang impormasyon na sumasagot sa mga katanungan tungkol sa kahulugan ng buhay. Kaya, inaanyayahan ka naming basahin ang publikasyong Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos? Ang pagtanggap sa aming paanyaya ay isang pasiyang hindi mo pagsisisihan.
Matatanggap mo ang 32-pahinang brosyur na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa kalakip na kupon at paghuhulog sa koreo sa direksiyon na makikita rito o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Pakisuyong padalhan ako ng isang kopya ng brosyur na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?
□ Pakisuyong makipagkita sa akin may kinalaman sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.