Natulungan sa Kaniyang Paghahanap
MAHIRAP ang buhay para sa maraming tao sa buong daigdig, at hinahanap ng ilan ang dahilan kung bakit nagkaganito. Isang 35-taóng-gulang na lalaki na may dalawang anak ang sumulat mula sa lunsod ng Grodno, Belarus:
“Isang babae ang lumapit sa akin sa kalye at inalok ako ng magasing Gumising! Hindi ko alam kung tungkol saan ang magasing ito, pero dahil sa ganda ng hitsura nito, kinuha ko ito. Pag-uwi ko sa amin, tiningnan ko ang mga artikulo at natawag nito ang aking pansin.
“Hindi ko itinuturing ang aking sarili na isang mananampalataya. Gayunman, nakasumpong ako sa inyong publikasyon ng mapananaligang mga sagot sa maraming katanungang bumabalisa sa akin. Mahirap ang aming buhay sa ngayon, at kailangang-kailangan namin ang tulong ng Bibliya. Nais ko sanang padalhan ninyo ako ng higit pang impormasyon tungkol sa Diyos at sa kaniyang mga turo. Malaon na akong naghahanap ng mga sagot sa maraming katanungan, at natulungan ako ng inyong publikasyon sa aking paghahanap.”
Ang isang mahalagang publikasyon na nakatulong na sa milyun-milyon ay ang 32-pahinang brosyur na Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan? Makatatanggap ka ng isang kopya sa pamamagitan ng pagsagot at paghuhulog sa koreo ng kalakip na kupon sa direksiyong nakalaan o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Padalhan po ako ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan?
□ Pakisuyong makipagkita sa akin may kinalaman sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.