Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 4/8 p. 32
  • Naibalik Nito ang Salapi ng Lalaki

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Naibalik Nito ang Salapi ng Lalaki
  • Gumising!—1999
Gumising!—1999
g99 4/8 p. 32

Naibalik Nito ang Salapi ng Lalaki

Habang naglalakbay sa pagitan ng mga lunsod sa Nigeria, Kanlurang Aprika, sakay ng isang taksi, ipinakipag-usap ng isang lalaki sa kapuwa manlalakbay ang araling “Mga Gawaing Kinamumuhian ng Diyos,” na masusumpungan sa brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? Nang huminto ang taksi sa isang restawran, itinuro ng lalaking nagpakita ng matinding interes sa brosyur ang isang pakete na dala niya at nagpaliwanag: “Ito’y pera. . . . Kinuha ko ito mula sa mga bagahe sa likuran ng taksi.”

Gayunpaman, ang lalaking nagnakaw ng salapi ay nagsisisi na sa ginawa niya at ibig nang isauli ang salapi sa may-ari nito. Ang pakete ay nakilala ng isang kabataang negosyante at kapuwa manlalakbay, na kaniya. Naglalaman ito ng 150,000 naira (halos $1,700). Ang magnanakaw, na sinusundan ang biktima nito sa layong 500 kilometro, ay nagsabi sa negosyante na dapat itong magpasalamat sa taong nagbahagi sa kaniya ng impormasyon na nasa brosyur. Ipinaliwanag niya na ang impormasyong iyon ang nagpangyari sa kaniya para ibalik ang salapi.

Namangha ang tsuper at ang iba pang pasahero nang malaman ang nangyari, at lahat sila ay gustong magkaroon ng kopya ng brosyur. Hindi pinahihintulutan noon ng negosyante na makipag-usap sa kaniya ang mga Saksi, subalit ngayon ay ibig na niya ang isang pag-aaral sa Bibliya.

Matatanggap mo ang mahalagang 32-pahinang brosyur na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa kalakip na kupon at pagpapadala rito sa direksiyong nasa kupon o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Padalhan ako ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?

□ Pakisuyong makipagkita sa akin may kinalaman sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share