Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga talata sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 14. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyon na “Insight on the Scriptures,” inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.)
1. Ano ang mga salitang madalas gamitin ang tumutukoy sa lunsod ng Jerusalem at sa mga naninirahan dito? (Zacarias 9:9)
2. Mula sa anong daungang bayan nilisan ni Pablo ang Asia Minor pabalik sa Antioquia, Sirya, sa pagtatapos ng kaniyang unang paglalakbay misyonero? (Gawa 14:25, 26)
3. Sino ang dalawang lalaki na ukol dito ay hinati ang bayan ng sampung-tribong kaharian upang siyang maging ikaanim na hari sa Israel? (1 Hari 16:21, 22)
4. Ano ang ikatlong tanawang lugar kung saan dinala ni Haring Balak ang propetang si Balaam nang sikapin niyang sumpain nito ang Israel? (Bilang 23:28)
5. Sino sa 12 anak na lalaki ni Jacob ang may pangalan na nangangahulugang “Mabuting Kapalaran”? (Genesis 30:11)
6. Kaninong Cesar umapela si Pablo, na sa bandang huli’y nag-utos na ipapatay siya? (Tingnan ang Gawa 25:11, 21, talababa.)
7. Ano ang idinaragdag sa anumang inihahandog kay Jehova sa altar? (Levitico 2:13)
8. Ayon sa hula ni Jesus, anong mahalagang gawain ang natutupad bago mangyari ang katapusan ng sistemang ito ng mga bagay? (Mateo 24:3, 14)
9. Anong buwan ng mga Judio natapos ni Nehemias ang 52-araw na proyekto ng muling pagtatayo ng pader ng Jerusalem? (Nehemias 6:15)
10. Bakit nagbalik ang mga babae sa libingan ni Jesus nang ikalawang araw pagkatapos siyang mailibing at maipinid ang libingan? (Lucas 23:55–24:3)
11. Anong buwan ng mga Judio natapos ni Solomon ang pagtatayo ng templo? (1 Hari 6:38)
12. Ano ang ginawa ni David nang malaman na namatay ang panganay niyang anak kay Bath-sheba? (2 Samuel 12:20-23)
13. Noong panahon ni Jesus, sa anu-anong paraan naitatanghal ng ilang lalaki ang taglay nilang lakas na higit sa karaniwang nagagawa ng tao? (Marcos 5:3, 4, 15)
14. Ayon kay apostol Pablo, ano ang kapakinabangan ng pagpapahintulot natin na sanayin tayo ng disiplina? (Hebreo 12:11)
15. Di-tulad ng karamihan sa ibang ibon, anong ibon ang may mga mata na parehong nakatutok sa harapan, na nagpapangyaring makita nang sabay ng dalawang mata nito ang isang bagay? (Awit 102:6)
16. Di-tulad ng mga kayamanan sa sanlibutan, ano ang magiging kapaki-pakinabang sa araw ng galit ng Diyos? (Kawikaan 11:4)
17. Sinabi ni Jesus na dapat taglay natin bilang mga lingkod ng Diyos ang anong saloobin kapag ginagawa natin ang iniatas na gawain sa atin? (Lucas 17:9, 10)
18. Anong may lakas-loob na pagkilos ang ginawa ni Haring Asa hinggil sa “kakila-kilabot na idolo sa sagradong poste” na ginawa ng kaniyang lola na si Maacah? (1 Hari 15:13)
19. Bakit hinimok ni Jesus ang mga nabibigatan na pasanin ang kaniyang pamatok? (Mateo 11:30)
20. Mula saang dako tinanaw ni Moises ang Lupang Pangako at pagkatapos noon, siya’y namatay? (Deuteronomio 32:49, 50)
Mga Sagot sa Pagsusulit
1. ANAK NA BABAE NG SION
2. ATALIA
3. TIBNI AT OMRI
4. PEOR
5. GAD
6. NERO
7. ASIN
8. Ang “mabuting balita ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa”
9. Elul
10. Upang maipreserba nang matagal ang bangkay niya sa pamamagitan ng mga langis at espesya
11. Bul
12. Huminto siya sa pag-aayuno at pananangis at nagsimula siyang kumain
13. Sila’y inaalihan ng demonyo
14. Ito ay magluluwal ng “mapayapang bunga, alalaong baga, katuwiran”
15. Ang kuwago
16. Katuwiran
17. Na ito ay isang pribilehiyo at ginagawa lamang natin ang dapat nating gawin
18. Pinutol niya ang idolo at sinunog ito, at inalis niya siya sa pagiging “ginang,” o inang reyna, sa kaharian
19. Sila’y mapananariwa nito, yamang ang kaniyang pamatok ay may kabaitan at ang kaniyang pasan ay magaan
20. Bundok Nebo