Mapabubuti Nito ang Iyong Buhay Pampamilya
ISANG ina na may apat na anak na ang edad ay nasa pagitan ng 12 at 22 ang sumulat: “Alam kong maraming pamilya ang magnanais na magsimula uli sa tulong ng aklat na ito.” Tinutukoy niya Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya.
Ganito ang sabi ng isang 49-anyos na ina mula sa New Zealand tungkol sa aklat: “Talagang isinulat ito taglay ang matinding unawa may kinalaman sa mga bagay na nauugnay sa pamilya.”
Makikinabang ang lahat ng miyembro ng pamilya—mga asawang lalaki, asawang babae, magulang, anak, lolo’t lola—oo, ang lahat mula sa aklat na Kaligayahan sa Pamilya. Kabilang sa nakapagtuturong mga kabanata nito ang “Paghahanda Para sa Matagumpay na Pag-aasawa,” “Papaano Mo Mapangangasiwaan ang Sambahayan?,” “Mapaglalabanan Mo ang mga Suliraning Pumipinsala sa Pamilya,” at “Magkasama Hanggang sa Pagtanda.”
Para sa iyong kopya, pakisuyong sagutan at ihulog sa koreo ang kalakip na kupon. Tatanggap ka ng espesipikong mga mungkahi na makatutulong upang malutas ang mga problema at maging isang kaluguran ang buhay pampamilya na siyang nilayon ng Maylalang.
□ Padalhan ako ng aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya.
□ Pakisuyong makipagkita sa akin may kinalaman sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.