Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 5/8 p. 32
  • Pagharap sa Kamatayan ng Isang Sanggol

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagharap sa Kamatayan ng Isang Sanggol
  • Gumising!—1999
Gumising!—1999
g99 5/8 p. 32

Pagharap sa Kamatayan ng Isang Sanggol

ISANG ina na taga-Britanya ang sumulat upang ipahayag ang pagpapahalaga sa brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal. “Ang brosyur ay tunay na pagkain sa tamang panahon para sa aming pamilya.” Pagkatapos ay ipinaliwanag niya:

“Ang mga karanasan na inilahad sa brosyur ay halos katulad ng sa amin. Nakaaaliw na malaman na nadama ng iba, at talagang nadarama, ang naranasan namin.

“Napahalagahan ko nang higit ang bahagi na nagsasabing ang nakukunan ay namamatayan at nagdudulot ito ng dalamhati. Dahilan sa ang sanggol ay hindi aktuwal na nabuhay sa labas ng sinapupunan at naging isang tao para sa kanila, hindi naiintindihan ng marami ang pagdadalamhating ito.

“Hindi pangkaraniwan ang mga karanasan ko nang ako’y makunan nang dalawang beses . . . Kinailangang pilitin akong umiri at magsilang ng patay na sanggol. Sang-ayon ako sa mga salita ni Veronica (sa pahina 10 ng brosyur), na nagsabi: ‘Ang pagsisilang ng isang patay nang sanggol ay isang kalunus-lunos na bagay para sa isang ina.’”

Marahil ikaw o ang kakilala mo ay makapagtatamo rin ng kaaliwan sa pagbabasa sa lubhang pinahahalagahang 32-pahinang brosyur na ito. Makatatanggap ka ng Kapag Namatay ang Iyong Minamahal sa pamamagitan ng pagsagot sa kalakip na kupon at pagpapadala rito sa direksiyong nasa kupon o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Padalhan ako ng isang kopya ng brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal.

□ Pakisuyong makipagkita sa akin may kinalaman sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share