Gumising! ang Naging Inspirasyon sa Paggawa ng Isang Poster Laban sa Paninigarilyo
NG KABALITAAN NG GUMISING! SA ITALYA
KAMAKAILAN, sa lunsod ng Mortara sa hilagaang Italya, ang Italian Anticancer League at ang isang lokal na pahayagan ay nag-organisa ng isang paligsahan sa mga estudyante sa haiskul upang magdisenyo ng isang poster laban sa paninigarilyo. Ang 14-anyos na si Simona, isa sa mga Saksi ni Jehova, ay kumonsulta sa iba’t ibang isyu ng Gumising! hinggil sa mga ideya tungkol sa mga panganib ng tabako, lalo na sa mga isyu ng Hulyo 8, 1989, at Mayo 22, 1995. Ganito ang isinulat ni Simona: “Nang ako po’y nagsasaliksik, humanga ako sa mga pabalat ng isyung ito. Gumuhit po ako ng isang bungo na may sigarilyo sa bibig nito katulad ng nakita ko sa Gumising!, at ang pamagat sa pabalat ay nagbigay sa akin ng ideya para sa aking islogan.” Ang kaniyang islogan ay, “Paninigarilyo—Pumapatay Ito ng Milyun-Milyon Para Kumita ng Milyun-Milyon.” Kabilang ang kaniyang poster sa 250 inilahok sa paligsahan.
Bagaman si Simona ay mas bata sa maraming iba pang estudyante sa paligsahan, siya ang binigyan ng unang gantimpala, kasali na ang isang iskolarsip na nagkakahalaga ng $300. Sumulat si Simona sa tanggapang pansangay ng Samahang Watch Tower upang magpasalamat para sa mabibisang pabalat ng Gumising! na nagbigay sa kaniya ng mga ideya. Nasisiyahan siyang magbasa ng Gumising! hindi lamang dahil sa mga pabalat nito kundi dahil din sa napapanahon at praktikal na mga artikulo nito hinggil sa kalusugan, mga kasalukuyang pangyayari, at mga hamon na nakakaharap ng mga kabataan. Ganito niya tinapos ang kaniyang liham: “PS: Ituloy po ninyo ang mabuti ninyong ginagawa!”
Kung nais mong makatanggap ng higit pang impormasyon tungkol sa iba pang isyu na nakaaapekto sa mga Kristiyano, pakisuyong makipag-alam sa Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar o ipadala ang kupon sa ibaba.
□ Padalhan ninyo ako ng kopya ng brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin hinggil sa walang-bayad na pag-aaral ng Bibliya sa tahanan.