Isang Publikasyon na May Layunin
ANG TAGAPANGASIWA ng isang pampublikong aklatan sa Prague, Czech Republic ay naglagay ng dalawang-pahinang pagsusuri sa Gumising! sa paskilan ng aklatan. Kabilang sa mga isinulat niya ang sumusunod:
“Hindi ako isang Saksi ni Jehova. Hindi rin ako debotong tumatangkilik ni mahigpit na sumasalungat sa Samahang Watch Tower. Gayunpaman, talagang malugod kong inirerekomenda ang magasing Gumising!, na matagal ko na ring binabasa. Sa pagbabasa lamang ng pamagat nito minsan sa isang araw ay makikinabang ka na nang malaki. Subalit, hindi lamang ang pamagat kundi ang mismong mga nilalaman ng magasing ito ay isang mainam na suplemento sa komersiyal na mga magasin . . .
“Pinag-isipang mabuti ang mga ideya sa Gumising! May mga artikulo ito sa mga paksang atubiling ilathala ng ibang magasin sa iba’t ibang kadahilanan. Tinutukoy nito ang mga implikasyon, anupat nagbibigay ng kabatiran sa buong daigdig . . . Hindi humahatol ang Gumising! Sinasabi nito ang mga pangyayari at ang pananaw ng mga awtoridad, ipinakikita ang bentaha at disbentaha, tinatalakay ang mga suliranin sa kasalukuyan sa pamamagitan ng mga pagsipi mula sa Bibliya, at hinahayaan ang mambabasa na magpasiya para sa kaniyang sarili. Bukod dito, nagtatanong ang Gumising!—at nagtuturo sa mambabasa na magbangon—ng mga tanong.”
Sa pahina 4 ng bawat magasin, ang bahaging “Kung Bakit Inilalathala ang Gumising!” ay nagpapaliwanag: “Pinakamahalaga, pinatitibay ng magasing ito ang tiwala sa pangako ng Maylikha na isang payapa at tiwasay na bagong sanlibutan na malapit nang humalili sa kasalukuyang balakyot at magulong sistema ng mga bagay.”
Masusumpungan mong tinatalakay ang pangakong ito ng Diyos sa huling dalawang bahagi ng 32-pahinang brosyur na Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan? Ang mga bahaging ito ay pinamagatang “Malapit Nang Matupad ang Layunin ng Diyos” at “Mabuhay Magpakailanman sa Isang Lupang Paraiso.” Makatatanggap ka ng brosyur na ito kung pupunan at ipadadala mo ang kalakip na kupon sa direksiyon na nasa kupon o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Padalhan ako ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan?
□ Pakisuyong makipag-alam sa akin hinggil sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.