Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga talata sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 27. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyon na “Insight on the Scriptures,” inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.)
1. Ano ang ginawa ni Jesus upang turuan ang kaniyang mga apostol ng isang aral sa pagpapakumbaba at pagkukusa na maglingkod nang walang pagtatangi? (Juan 13:12)
2. Ang mga kapahayagan ng pag-ibig ng kasamang pastol ng Shulamita ay inihalintulad sa kaayaayang lilim ng anong punungkahoy? (Awit ni Solomon 2:3)
3. Sinasabi ni Santiago na ‘ang anyo ng pagsamba ng isang tao ay walang saysay’ kung hindi niya ginagawa ang ano sa kaniyang dila? (Santiago 1:26)
4. Ano ang huling iniulat sa mga gawang paglalang ng Diyos sa lupa? (Genesis 2:22; 3:20)
5. Sino ang nag-udyok sa lunsod ng Shekem na maghimagsik laban kay Abimelec, na naging dahilan ng pagkawasak ng lunsod? (Hukom 9:28)
6. Ano ang Amoritang pangalan para sa Bundok Hermon? (Deuteronomio 3:9)
7. Palibhasa’y nasusuya na sa manna, ano ang hiniling ng mga Israelita samantalang nasa iláng? (Bilang 11:4)
8. Saang daungang lunsod ginawa ni Pablo ang paglipat mula sa isang bangka tungo sa isa pa samantalang dinadala siya bilang bilanggo mula sa Cesarea patungong Roma? (Gawa 27:5)
9. Sa pangitain, anong kasuklam-suklam na mga bagay ang nakita ni Ezekiel na isinasagawa sa templo sa Jerusalem? (Ezekiel 8:9-16)
10. Aling mga bahagi ng imahen na napanaginipan ni Haring Nabucodonosor ang yari sa pilak? (Daniel 2:32)
11. Ano ang ginawa ni Jesus nang tangkain siyang batuhin ng mga pinunong Judio na nasa templo? (Juan 8:59)
12. Ano ang ginawa ni Moises nang magningning nang husto ang kaniyang mukha anupat hindi ito matitigan ng mga Israelita? (Exodo 34:35)
13. Sino ang ama ni Moises? (Bilang 26:59)
14. Dahil sa walang anak na lalaki si Zelofehad, ano ang iniutos ni Jehova? (Bilang 27:1-8)
15. Sino ang tinukoy ng mga Nazareno bilang mga kapatid na lalaki ni Jesus? (Marcos 6:3)
16. Hinggil sa liham kay Filemon, ano ang ginawa ni Pablo na hindi niya karaniwang ginagawa? (Filemon 19)
17. Bakit bumili si Jeremias ng isang bukid sa panahong kinukubkob ng mga taga-Babilonya ang Jerusalem? (Jeremias 32:8-15, 44)
18. Ano ang ipinakiusap ng demonyo na huwag gawin sa kaniya ni Jesus? (Lucas 8:28-31)
19. Ano ang ibinigay ni Adan sa lahat ng mga hayop? (Genesis 2:20)
20. Sinong di-Israelitang babae ang kumilos nang buong-tapang at pumatay kay Sisera? (Hukom 4:21)
21. Ang mga taga-Corinto ay tinaguriang “isang liham” na isinulat sa anong paraan? (2 Corinto 3:3)
22. Sa paggamit ng kaniyang tabak, ano ang ginawa ni Pedro kay Malco? (Juan 18:10)
23. Ano ang sinasabi ng kawikaan na idudulot sa kaniyang ina ng “batang pinababayaan”? (Kawikaan 29:15)
24. Sa ano inihahambing ng Kawikaan ang isang babaing may panlabas na kagandahan ngunit walang katinuan? (Kawikaan 11:22)
25. Anong babala ang ibinigay ni Jesus upang idiin ang kamangmangan ng pagbabalik sa mga bagay na iniwan? (Lucas 17:31, 32)
Mga Sagot sa Pagsusulit
1. Hinugasan niya ang kanilang mga paa
2. Mansanas
3. Nirerendahan ito
4. Eva
5. Gaal, anak na lalaki ni Ebed
6. Senir
7. Karne
8. Mira
9. May 70 matatandang lalaki na sumasamba sa idolatrosong mga ukit sa pader, ang mga babae ay tumatangis sa Babilonikong diyos na si Tamuz, 25 apostata ang sumasamba sa araw
10. Ang dibdib at ang mga braso
11. Siya ay nagtago at lumabas sa templo
12. Nagsuot siya ng lambong sa mukha
13. Amram
14. Na dapat matanggap ng kaniyang mga anak na babae ang kaniyang manang lupain
15. “Santiago at Jose at Judas at Simon”
16. Isinulat niya ito sa pamamagitan ng kaniyang sariling kamay
17. Bilang larawan ng pagsasauli na magaganap kapag, pagkatapos ng 70 taon ng pagkakatapon, ang mga bukid ay muling mabibili sa Juda
18. Huwag siyang “pahirapan” at huwag siyang utusan sampu ng kaniyang mga kapuwa demonyo na pumaroon sa kalaliman
19. Mga pangalan
20. Jael
21. Sa puso, “sa pamamagitan ng espiritu ng isang Diyos na buháy”
22. Tinagpas ang kaniyang tainga
23. Kahihiyan
24. “Gintong singsing na pang-ilong na nasa nguso ng baboy”
25. “Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot”