Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 8/22 p. 32
  • “Napakagandang Impormasyon!”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Napakagandang Impormasyon!”
  • Gumising!—1999
Gumising!—1999
g99 8/22 p. 32

“Napakagandang Impormasyon!”

Paano kaya masusumpungan ng mga kabataan ang layunin sa buhay, mauunawaan ang kanilang sarili, o matututuhan na makisamang mabuti sa kanilang mga magulang? Kamakailan, nakatanggap ng isang liham ang tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Espanya, na ganito ang sabi ng isang bahagi:

“Sumulat po ako upang taimtim na batiin kayo dahil sa inyong kapuri-puring paglilimbag ng kahanga-hangang mga aklat na gaya ng isang may pamagat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan​—Mga Sagot na Lumulutas. Napakagandang impormasyon! Binabati ko po ang mga sumulat at mga naglimbag, na siyang tumupad sa mga pangarap ng libu-libong kabataan.

“Ako po’y 21 taóng gulang na babae na dati nang nagkainteres at nag-aral ng Bibliya. . . . Sa di-sinasadyang pagkakataon, dahil sa isang kaibigan, nagkaroon ako ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan​—Mga Sagot na Lumulutas.

“Inakala ko sa pasimula na wala naman itong maitutulong sa akin, ngunit unti-unti, nagugustuhan ko nang basahin ito. Pinag-isip ako nito ng maraming bagay, gaya ng kung ano ang gagawin ko sa aking buhay, at unti-unti nitong sinasagot ang aking mga tanong. Dahil sa hawak kong ito na isang kayamanan, natutuhan ko kung paano uunawain ang aking mga magulang, kung paano magpatawad, at kung paano maging isang babae at kumilos na gaya ng isang babae.”

Kung nais mong makinabang mula sa mga impormasyon sa aklat na Tanong ng mga Kabataan, makatatanggap ka ng isang kopya kung susulatan mo at ihuhulog ang kalakip na kupon sa direksiyong nasa kupon o sa isang angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Padalhan ako ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan​—Mga Sagot na Lumulutas.

□ Pakisuyong makipagkita sa akin para sa isang libreng pantahanang pag-aaral ng Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share