Humanga ang Kaniyang Propesor
NOONG Mayo ng 1998, sinimulang ilabas sa mga bansa sa buong daigdig ang may-malambot-na-pabalat na 192-pahinang aklat na Is There a Creator Who Cares About You? Sa ngayon, mahigit na sampung milyong kopya na ang nailimbag sa 33 wika. Maraming grupo ang nagpahayag ng pagpapahalaga sa publikasyong ito na nakapagpapatibay ng pananampalataya.
Isang estudyante ng nursing mula sa South Carolina, sa Estados Unidos, ang bumulalas tungkol sa aklat: “Hindi ako makapaniwala nang buksan ko ang kabanata 4 at mabasa ang pagsipi sa aklat na ginagamit namin sa klase!
“Kinalunisan, tinanong ko ang aking propesor kung puwede ko siyang makausap nang sandali. Ibinigay ko [sa kaniya] ang aklat at sinabi na alam kong masisiyahan siya sa impormasyon. Ipinakita ko sa kaniya ang pahina 54 hinggil sa utak. Binasa niya iyon at saka sinabi, ‘Maganda ito! Susuriin ko ito.’ Pagkatapos kong bigyan ng isang kopya ng aklat ang aking propesor, nakapag-iwan din ako ng tig-isang kopya sa aking dalawang kaklase na nagnais nito.”
Maaari ka ring humiling ng isang kopya ng masusing sinaliksik at dokumentadong publikasyong ito kung iyong pupunan at ipadadala sa koreo ang kalakip na kupon sa direksiyon na inilaan o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Padalhan ninyo ako ng isang kopya ng aklat na Is There a Creator Who Cares About You?
□ Pakisuyong makipag-alam sa akin hinggil sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral ng Bibliya.
[Picture Credit Line sa pahina 32]
Mga Pabalat: J. Hester and P. Scowen (AZ State Univ.), NASA